Regine proud na proud sa pagiging ‘Marites’, nadismaya nang hindi nakapasok sa Top 10 ‘tsismosa’

Krystal Brimner, Francine Diaz at Regine Velasquez

“PINANINDIGAN” na ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid ang pagiging “Marites” (mare, ano’ng latest?).

Aliw na aliw ang mga netizens sa paandar ng actress-singer at TV host sa social media na may konek sa usung-uso ngayong mga “tsismosa” sa social media.

Pinusuan at ni-like ng sandamakmak na netizens ang ipinost ni Regine last Friday, Jan. 28 sa Instagram na mga litrato kasama ang Kapamilya young actress na si Francine Diaz.

Binati kasi ng Songbird ang dalaga sa pagdiriwang nito ng kanyang kaarawan. Nag-reply naman si Francine ng, “Thank you po, Ms Reg!” 

Sa mga photos na ibinahagi ni Regine,  makikitang tila nakikitsismis siya habang nagtsitsikahan si Francine sa isa pang Kapamilya youngstar na si Krystal Brimner. 

Sa pagkakaalam namin, kuha ang nasabing mga litrato sa labas ng ASAP Studio na matatagpuan sa loob ng ABS-CBN compound. 

Chika ng misis ni Ogie, ipinost niya ang mga litrato nila ni Francine dahil pumasok ang name niya sa listahan ng Top 30 “Marites” sa Pilipinas.

“’Yung nasa top 30 ka ng mga Marites sa bansa. My name is not that common right? So malamang ako talaga ‘yun,” sey pa ni Regine sa caption.


Nauna nang ibinandera ng Songbird ang nasabing “parody list” sa kanyang IG page kung saan makikita nga ang mga pangalan na itinuturing na “pinakatsismosa” sa bansa.

Hirit pa ng Kapamilya singer-actress, medyo dismayado lang daw siya sa nasabing listahan dahil hindi pa siya umabot sa Top 10. 

“But actually I’m a little disappointed kasi no. 29 ako I was expecting at least top 10 di ba?

“So ito na since I have a reputation now as one of the top Marites…….oh ha!” birong chika pa ng Songbird. 

Sa comment section, sumagot ang kaibigan ni Regine na si Jolina Magdangal at pinatotohanan ang pagiging Marites ng OPM icon. Ani Jolens, talaga raw ganu’n kung makichika si Regine sa totoong buhay.

“Ate Reg! Ganyan ka talaga! Hahahaha!!! Naalala ko nung nag chichikahan kami ni Kyla, kakalabitin mo pa kami tapos sabihin na ‘ano yun ano yun?’ Hahahahaha!” comment ni Jolina.

https://bandera.inquirer.net/298460/sanaall-regine-niregaluhan-ng-bonggang-diamond-ring-si-kz-tandingan

https://bandera.inquirer.net/300677/regine-inireklamo-ang-socmed-accounts-na-nakapangalan-kay-nate-sorry-im-just-trying-to-protect-my-son
https://bandera.inquirer.net/303220/fans-ni-andrea-sinisi-ang-nanay-ni-francine-kim-malungkot-sa-pagpasok-ng-2022

Read more...