Nikko Natividad bumuwelta sa basher na nagsabing dati siyang callboy: Hindi ko po kayo naging customer!

Nikko Natividad

HINDI nagpakita ng pagkapikon si Nikko Natividad maski na obvious na binastos siya ng isang basher.

“Kadiri yan kolboy yan dati pwe,” say ng netizen sa aktor.

Agad-agad namang sumagot si Nikko sa basher ng, “Hindi ko po kayo naging customer.”

Marami ang nagtanggol kay Nikko sa social media lalo na sa Facebook.

“Ayy support ko Yan si Nikko. Isa sya sa napakakulet sa instagram world. Okay Yan si @nikko Mabait Yann. Makulettt Lang talaga.”

“Mas kakadiri mainggit itong taong to laki ng inggit mo hahaha.”

“At least sa pokpok works hard for his food, while others nagnanakaw lang against their fellow kababayan.”

“Hahahaha! Magkakasakit sa puso ang mang bash kay Nikko.”

“Kanya kanya tayo ng paraan para mabuhay. As long as wala tayong tinatapakang tao. Di mo naman katawan ang ginamit nya.”

“Di nya lang afford siguro kaya biglang nandiri!”

“Aatakihin kababash kay Nikko dahil naman pala patol.”

“In the world full of negativity, there is Nikko hehehe.”

* * *

Mukhang nasa matinding peligro ang buhay ng magkapatid na Raven (Kaila Estrada) at Rica (Charlie Dizon) dahil makikita sa trailer nitong Biyernes (Enero 28) ng “Viral Scandal” na mababangga sila ng sasakyan matapos magmaneho ni Raven nang nakainom.

Kinompronta ni Raven si Rica sa Balai Arkitektura matapos niyang malaman na maghihiwalay na ang kanyang mga magulang at nireject siya ni Kyle (Joshua Garcia). 

Para sa kanya, kasalanan ni Rica ang lahat. Sinabi nga niya kay Rica na lumayo na ito sa buhay niya. 

Sa sobrang lungkot at kalasingan, naikwento pa niya kung paano siya maliitin ng ina at tingin niya ay hindi siya mahal ng ama. Sa kanyang pagpapatuloy, bigla siyang hinimatay.


Pinili ni Rica na alagaan si Raven sa kabilang ng kanilang hidwaan. Habang naghihintay, bigla na lang inabot sa kanya ng janitor ang telepono ni Raven at sinabing tumatawag si Troy (Jake Cuenca).

Sa kabilang banda, matapos nilang mag-away ni Troy, dumiretso si Audrey (Maxene Magalona) kay Bobby (Gian Magdangal) at sinabi nga niya na hihiwalayan na siya ni Troy. Ngunit mukhang nadala sila ng kani-kanilang emosyon at piniling magtalik.

Paano kaya ipaliliwanag ni Rica kung bakit sila magkasama ni Raven? Paano naman umabot sa puntong nagmamaneho si Raven nang naka-inom at kasama si Rica? Samantala, ano kaya ang gagawin ni Audrey na pagtatakip sa kanyang kasalanan?

Subaybayan ang “Viral Scandal” gabi-gabi ng 9:20 p.m. sa Kapamilya Channel.

https://bandera.inquirer.net/293935/nikko-natividad-umamin-naging-greedy-ako-naghangad-ng-maraming-pera

https://bandera.inquirer.net/291090/hashtag-nikko-kinampihan-si-arjo-ate-masama-magpakalat-ng-fake-news-baka-magsara-ang
https://bandera.inquirer.net/294892/netizens-na-shock-nabastusan-sa-pa-survey-ni-nikko-pero-marami-pa-ring-nag-join

Read more...