Louise delos Reyes, Diego Loyzaga at Cara Gonzales
UNTI-UNTI nang gumagawa ng sarili niyang pangalan ang Viva Artist Agency talent na si Cara Gonzales matapos ang sunud-sunod niyang pelikula sa Vivamax.
After ng “Pornstar 2, Pangalawang Putok”, “Palitan” at “Hugas”, bibida uli si Cara sa isa na namang mapangahas na pelikula ng Viva Films, ang “The Wife.”
Dito, hindi lang sa hubaran at pakikipag-love scene ang ipinakita ng sexy star kundi nakipagtagisan din siya ng akting kina Louise delos Reyes at Diego Loyzaga.
Ang “The Wife” ay isang sexy love triangle drama directed by Denise O’Hara. Ayon kay Cara, ito na raw ang pinaka-challenging na role na ipinagkatiwala sa kanya ng Viva dahil sa mabibigat na drama scenes na ginawa niya.
Sa nakaraang online presscon ng “The Wife”, natanong ang dalaga kung paano niya ide-describe sina Louise at Diego bilang katrabaho sa “The Wife”.
“Pareho silang mas beterano compared sa akin. Newbie lang ako pero hindi nila iyon ipinaramdam sa akin. And I’m happy kasi I learned so much from them, pati kay Direk Denise na first female director ko.
“Lahat sila, magaan katrabaho. They all helped me in improving my craft, na-guide nila ako nang maayos pati sa pagpapakita ng emotions ko.
“Hindi sila nagsawang suportahan ako bilang baguhan and they shared with me yung mga alam nila tungkol sa pag-arte kaya thankful akong napasama ako rito kasi nakakahawa ang galing nila,” pahayag ng sexy star.
Aniya, ang pagiging third party sa relasyon nina Louise at Diego sa kuwento ng movie ang pinakamahirap na gampanan para kay Cara.
“Sa story, dati kaming best friends ni Diego then matagal kaming hindi nagkita. When we meet again, married na siya, but that didn’t stop me in pursuing him hanggang magka-affair kami.
“May love scenes kami ni Diego rito, pero mas demanding ang dramatic scenes ko rito kaysa sa hubaran scenes,” ani Cara.
Ito rin ang unang pagkakataon na babae ang naging direktor ni Cara at nagpapasalamat siya kay Direk Denise dahil talagang inalagaan siya nito sa mga sex scenes nila ni Diego.
“First time ko to be directed by a female director at mas nagustuhan ko ang paraan niya ng pagdidirek. Sobrang kampante ako kasi hindi siya nagagalit.
“Kahit magkamali ka, may magagawa siyang paraan para itama ang eksena. Even sa sex scenes, parang nanay siya, kaya nahihiya ako makipaghalikan kasi nasa harap kami ng nanay namin. Ang hirap gawin, pero nagawa naman namin ni Diego nang maayos,” chika pa ni Cara.
At pagdating naman sa paghuhubad at pakikipag-love scene sa movie, “Mas conservative sina Diego at Louise kaysa sa akin, kasi ako ang most experienced pagdating sa doing sexy scenes dahil nagawa ko na in the three movies that I did. Pero ‘yung love scene namin ni Diego, nagawa naman namin in one take lang.”
Excited na rin daw siyang mapanood ng mga Vivamax subscribers ang aktingan showdown nila ni Louise at talaga raw pinaghandaan niya ito para hindi mapahiya sa mga katrabaho.
“Siyempre, drama dahil nagkaharap ang wife at ang kabit. Very difficult talaga ‘yung confrontation scene with Louise kasi ang bigat ng emosyon.
“In real life, mahinhin ako, e. Hindi ako ‘yung tipong nagagalit, kaya very challenging sa akin ‘yung eksena kasi ang galing ni Louise. Sumasabog na talaga siya sa emotions niya, so I have to level up sa husay niya.
“I can see in myself a lot of improvement sa acting ko after working with them ni Diego. Very touching ang movie at hindi lang siya tungkol sa sex kundi about love and sacrifice din, so don’t miss it when it starts streaming on February 11,” pag-anyaya pa ni Cara sa mga manonood.
https://bandera.inquirer.net/298937/sexy-star-ng-viva-pinayagan-ng-ama-na-maghubad-sa-pelikula-pero-bawal-akong-hawakan-sa-boobs
https://bandera.inquirer.net/303718/deigo-pumayag-magpakita-ng-pwet-sa-bagong-movie-walang-reaksyon-sa-mga-intriga-sa-kanila-ni-barbie
https://bandera.inquirer.net/299839/nakakaloka-ang-sex-scenes-sa-palitan-ni-brillante-mendoza-4-na-bida-naghubot-hubad