‘Mommy hugot’ ni Sheena: Gandang lumalaban sa puyat, pagod at hirap sa pag-iisip anong uulamin namin next week…

Sheena Halili

“GANDANG lumalaban!” Yan ang hashtag na ginamit ng Kapuso actress at StarStruck alumna na si Sheena Halili sa isa niyang Instagram post patungkol sa pagiging nanay.

Siguradong maraming makaka-relate sa “mommy hugot” ni Sheena lalo na yung mga single mom na patuloy na nakikipaglaban kahit walang asawa o katuwang sa buhay.

Nagbahagi ang celebrity mom sa IG ng kanyang litrato na may caption na, “Habang inggit na inggit ako sa mga nanay na napakaganda ng pictures sa social media. 

“Ganitong ganda na muna ang hatid ko sa inyo. Gandang lumalaban sa puyat at pagod at hirap ng pag-iisip anong uulamin namin next week, anong mga dapat i-online grocery,” simulang chika ni Sheena sa kanyang mga followers.

Hirit pa niya, “Gandang isip nang isip paano mapapaluwag ang bahay namin dahil napakalikot na ng anak ko, anong activity at pagkain ng anak kong gusto ng blw at nagpaka-montessori approach.”

Nabanggit din niya na sumasakit pa raw ang kanyang wisdom tooth nang kunan ang litrato na ipinost niya sa IG kaya naisip niya ang hashtag na #gandanglumalaban.

“Gandang nagdadasal na sana ‘wag munang magising si Martina at magkakape muna ako ng mainit.

“Haha nakakatawa na INA-appreciate ko ang sarili ko dahil sa totoo lang, ngayon lang ako nagmahal, nagtiis, at naging dedicated sa ginagawa ko,” pahayag pa ni Sheena Halili.


Sa huling bahagi ng kanyang mensahe, hiniling ng aktres na sana’y matapos na ang pandemya para ma-enjoy na uli ng lahat ang inaasam na kalayaan at kaligtasan mula sa COVID-19.

Marami namang netizens ang nag-post ng mga positibong komento sa IG hugot ni Sheena at karamihan mga sa kanila ay mga mommy na relate na relate raw sa kanyang mga nararanasan bilang ina.
 
https://bandera.inquirer.net/303014/katrina-nagsalita-na-tungkol-sa-misteryosong-sakit-nanigas-daw-ang-leeg-sobrang-nilamig

https://bandera.inquirer.net/301610/beatrice-gomez-iniwasan-ang-mga-toxic-sa-socmed-habang-lumalaban-sa-2021-miss-universe

https://bandera.inquirer.net/283592/angel-gumawa-ng-tula-bilang-paggunita-sa-abs-cbn-shutdown-hindi-susuko-at-patuloy-na-lumalaban

Read more...