Kris Aquino at Bongbong Marcos
“DID not happen,” ang matipid na tweet ng lawyer friend ni Kris Aquino na si Atty. Gideon Pena tungkol sa pagdalaw umano ni dating senador Bongbong Marcos sa TV host at aktres.
Ni-repost ng abogado ang larawan ni Kris at ng nasabing presidential aspirant na may nakalagay na, “Kris Aquino personal na NAGPASALAMAT kay BONGBONG Marcos dahil sa TINULONG nito sa Kanya!”
Ito’y mula sa YouTube channel na CelebrityPH na ngayon ay may 350,000 views na.
Binisita namin ang nasabing vlog at sunud-sunod pala ang ina-upload nitong mga video tungkol sa Queen of Social Media kabilang na ang sinasabi nitong dinalaw daw si Kris nina Bongbong at Pangulong Rodrigo Duterte na naiyak pa raw nang makita ang kalagayan niya.
Recently ay bumuti na raw ang pakiramdam ni Kris dahil sa ginawa ng doktor niya at napasigaw pa sa sobrang tuwa. May post din na sinalubong ng magkapatid na Joshua at Bimby ang mama nila galing Amerika.
Pero lahat ng ito ay fake news tulad nga ng sinabi ni Atty. Gideon, ang consultant at lawyer friend ni Kris. Never daw nagpasalamat ang TV host kay BBM.
Sa pagkakaalam namin ay walang isyu kina Kris at BBM at matagal na silang walang contact lalo’t very vocal naman ang una na si Vice President Leni Robredo ang sinusuportahan niya bilang presidente sa darating na eleksyon sa Mayo.
Did. Not. Happen. pic.twitter.com/17SzsiohPP
— Gideon V. Peña (@attygideon) January 28, 2022
Nababahala na rin ang mga taong concerned kay Kris dahil maraming netizens ang naniniwala sa mga FAKE NEWS na napapanood nila sa YouTube.
Sa katunayan, isa rin kami sa nasabihan ng subscriber ng nasabing YT channel ng, “Buti ‘no, bati na sina Kris at Bongbong, napagaling ng doktor ni Bongbong si Kris na hindi kinayang gamutin sa Amerika.”
Sa totoo lang natigilan kami sa narinig namin dahil kailan lang ay kausap namin ang chief of staff ni Kris na si Alvin Gagui at nabanggit nga nito na nandito lang sa bansa ang mama nina Josh at Bimby dahil marami pang papeles ang inaayos kaya hindi pa makalipad patungong Amerika.
Tapos heto ang balita, dumating na raw si Kris mula sa US at sinalubong pa ng magkapatid ang mama nila?
Naku ha, sana hindi panggagamit kay Kris ang mga isyung ito. Wala bang hakbang ang YT Philippines sa mga na gumagamit ng nasabing platform para makontrol na ang mga fake news lalo na ngayong panahon ng eleksyon?
https://bandera.inquirer.net/296871/magkaiba-si-vp-leni-at-bongbong-marcos
https://bandera.inquirer.net/304194/jessica-dedma-pa-rin-sa-patutsada-ni-bongbong-hindi-na-pinatulan-ang-mga-bashers
https://bandera.inquirer.net/295474/ogie-diaz-pumalag-sa-fake-news-na-supporter-ni-marcos-si-liza