Erik Santos nakipagkulitan kay Angeline Quinto: Narinig ko sabi niya... | Bandera

Erik Santos nakipagkulitan kay Angeline Quinto: Narinig ko sabi niya…

Therese Arceo |January 28,2022
facebook
share this

Erik Santos nakipagkulitan kay Angeline Quinto: Narinig ko sabi niya…

Therese Arceo - January 28, 2022 - 09:54 AM

Erik Santos nakipagkulitan kay Angeline Quinto: Narinig ko sabi niya...

MARAMI sa mga fans nina Erik Santos at Angeline Quinto ang kinilig nang makitang magkasama ang dalawa.

Sa Instagram account ni Erik ay ibinahagi niya ang mga larawan nila ng actress-singer habang nagkukulitan sila sa labas ng studio ng “ASAP Natin ‘To!”.

“Ge, narinig ko sabi nya… ‘Mommy, patuloy ang pangarap,” saad niya sa kanyang post.

Hindi naman nagpahuli si Angeline sa kanyang reply na, “Hahahaha. Pogs, umalis ka na kasi, may sinabi pa si baby, ‘This is the moment Mama’.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by eriksantos (@eriksantos)

Hango ang sinabi ng dalawa sa title ng kanilang mga sikat na kanta.

Marami naman sa mga netizens at supporters nina Erik at Angeline ang hindi napigilang mag-comment dahil sa kilig para sa dalawa.

“AngeRik, kalmahan n’yo. ‘Yung puso ko,” comment ng isang netizen.

“Parang ayaw kong alisin ‘yung mga mata ko. Nakakakilig tignan. Sana kayo na lang pero kung hindi, support pa rin kami,” saad naman ng isa pa.

“Panindigan n’yo ‘yung kilig at saya namin kahit alam naming malabo,” sey ng isang netizen.

Hirit naman ng isa pang supporter ng dalawa, “Pinagtagpo pero hindi itinadhana.”

Sa interview ni Angeline kay Karen Davila noong Oktubre 2021 ay inamin niya na sinubukan naman nila ni Erik na magkaroon ng romantic relationship.

“Singing partner ko po talaga [si Erik], isa sa mga matatalik kong kaibigan sa industriya,” umpisa ni Angge.

“Ginawa namin ’yun kaya lang para kaming natatawa sa isa’t isa. Kaya sabi ko ‘Pogs, ’wag nating pilitin. Talagang magkaibigan lang tayo,’ kasi minsan magiging sweet kami tapos matatawa na lang kami,” pagpapatuloy niya.

Inamin rin ni Erik noong 2014 sa interview niya kay Kris Aquino na sinubukan talaga niyang i-pursue si Angge pero hindi talaga ito nag-work out.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa ngayon naman ay nananatiling matalik na magkaibigan ang dalawa at nakatakda namang manganak sa April si Angeline sa kanyang panganay na anak sa kanyang non-showbiz dyowa.

Related Chika:
Angeline hindi pa ipinakikilala kay Erik ang bagong BF: ‘Di naman kailangan…selos yarnnnnn?
Erik sa paghahanap ng kanyang ‘the one’: Kailangan grabe yung faith niya kay God

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending