Jessica Soho at Bongbong Marcos
MARAMING nag-abang sa magiging reaksyon ng broascast journalist at TV host na si Jessica Soho sa akusasyon ni Bongbong Marcos na “biased” daw ito sa kanilang pamilya.
Ito’y matapos ngang tanggihan ng dating senador ang imbitasyon ng Kapuso Network para humarap sa katatapos lang na “The Jessica Soho Presidential Interviews”.
Ngunit bukod sa official statement na inilabas ng GMA 7 ay hindi na pinatulan ni Jessica ang akusasyon ni Bongbong na isa sa mga tumatakbong pangulo sa nalalapit na May, 2022 elections.
Hanggang ngayon ay walang inilalabas na pahayag si Jessica tungkol dito kaya ibig sabihin ayaw na niyang patulan o palakihin pa ang isyu sa kanila ni Bongbong Marcos.
May mga netizens na nagsasabi na dapat daw ay magsalita ang TV host dahil hindi raw maganda para sa kanyang imahe ang tawaging biased ng isang presidential aspirant.
Pero mukhang dedma na nga lang si Jessica sa kontrobersya dahil until now ay tikom pa rin ang kanyang bibig.
Baka para sa award-winning journalist ay sapat na ang ginawang pagtatanggol at paglalabas ng depensa para sa kanya ng GMA 7.
“GMA Network takes exception to the statement of the camp of former senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. that Kapuso news pillar Jessica Soho is supposedly biased against the Marcoses, the reason for the presidential candidate to decline participation in ‘The Jessica Soho Presidential Interviews.’
“Throughout her career, Ms. Soho has consistently been named the most trusted media personality in the Philippines by both local and foreign organizations, a testament to her embodying the GMA News and Public Affairs ethos: ‘Walang Kinikilingan, Walang Pinoprotektahan, Serbisyong Totoo Lamang,” ang bahagi ng opisyal na pahayag ng GMA 7.
In fairness, nangibabaw sa ratings at pinag-usapan nang husto ang “The Jessica Soho Presidential Interviews” na napanood noong Sabado, Jan. 22.
Most-watched TV program ito noong weekend matapos itong makakuha ng 16.2 percent people ratings base sa Nielsen Phils. TV Audience Measurement overnight Urban Philippines data.
Ang mga katapat nito sa TV5 (Sing Galing Sing-Lebrity Edition, Rated Korina, Kagat ng Dilim) at A2Z (TV Patrol Weekend, Pinoy Big Brother Kumunity Season 10, Maalaala Mo Kaya) ay nakakuha lamang ng 2.1 percent at 1.3 percent.
Umani rin ng magagandang reviews ang nasabing TV special kung saan buong-tapang na tinanong ni Soho ang mga nangungunang presidential aspirant tungkol sa mga kontrobersyang ibinabato sa kanila, ang kanilang paninindigan sa mga mahahalagang isyu, at ang kanilang konkretong plano kung sila ay manalo.
May mga hindi rin inaasahang katanungan na binato si Soho upang mas makilala pa ng publiko ang mga presidential aspirant.
At para sa lahat ng hindi nakapanood, muli itong ipalalabas ngayong Sabado, Jan. 29, sa GTV, 7:05 p.m..
https://bandera.inquirer.net/303638/gma-network-umalma-sa-biased-remark-ng-kampo-ni-marcos-laban-kay-jessica-soho
https://bandera.inquirer.net/303770/lumitaw-ang-may-plano-may-malalim-na-pag-unawa-sa-pamumuno-lumutang-din-ang-gusto-lang-drumibol
https://bandera.inquirer.net/303924/anthony-taberna-umalma-sa-akusasyong-biased-daw-si-jessica-yung-titirahin-yung-host-mali-yun