Mariel nagselos sa eksena noon nina Kris at Robin: Kasi may mga bathtub scene, tapos immature ako! Bandera

Mariel nagselos sa eksena noon nina Kris at Robin: Kasi may mga bathtub scene, tapos immature ako!

Therese Arceo |January 27,2022
share this

Mariel nagselos sa eksena noon nina Kris at Robin: Kasi may mga bathtub scene, tapos immature ako!

Therese Arceo January 27, 2022 - 02:47 PM

Mariel nagselos sa eksena noon nina Kris at Robin: Kasi may mga bathtub scene, tapos immature ako!

GAME na sinagot ng TV host-actress na si Mariel Rodriguez-Padilla ang mga katanungan ng netizens sa kanyang Instagram stories.

Isa na sa mga tanong ay patungkol sa kung sinong leading lady ng kanyang asawang si Robin Padilla ang kanyang pinagselosan.

Sagot naman ni Mariel, isang eksena ang kanyang pinagselosan at hindi ang mismong leading lady ng asawa.

“Not Ate Kris but the scene!!!” sagot ni Mariel kasama ang litrato nina Kris at Robin na magkasama.

Pagkukwento niya, noong mga panahong ‘yun ay immature pa raw siya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by mariel padilla (@marieltpadilla)

“Kasi may love scene tapos may mga bath tub scene… tapos naka-diet ako tapos immature ako. Tapos nakakahiya kasi nag-react ako,” sagot ni Mariel.

Sa tanong naman kung nagsisi ba siya sa kanyang pagseselos, oo ang sagot ni Mariel.

“Do I regret it? Yes! Btw, love ate Kris to the max!!!” dagdag pa niya.

Ang tinutukoy na bath tub scene ni Mariel ay ang intense na eksena nina Kris at Robin sa Kapamilya teleserye “Kailangan Ko’y Ikaw” noong 2012 kung saan kasama nila si Anne Curtis-Smith.

Samantala, nag-alay naman ng dasal ang kanyang asawa para sa paggaling ni Kris at pagbuti ng kanyang kalusugan.

Bukod sa padarasal ay nanawagan rin ang asawa ni Mariel na sana ay huwag nang magpakalat pa ng fake news na maaaring makaapekto sa kapagayan ngayon ng Queen of All Media.

“Ang aking salmo ay mabigyan ng pahinga ang kaisipan at damdamin ni Ms Kris para siya ay makabawi at makabalik sa kanyang lakas.

“Maging ano man ang kulay natin sa pulitika. Kailangan natin si ms Kris. Hindi mabubuhay ang Demokrasya ng Ating Bansa kung walang oposisyon at sa ngayon walang tunay na mukha at kulay ang oposisyon kundi si ms Kris.

“Mga kababayan ipagpanalangin natin ang pagganda ng kalusugan ni ms Kris. Kailangan siya ng mga anak niya. Kailangan natin ang tunay na oposisyon para manatili sa direksyon ang administrasyon,” saad ni Robin.

Related Chika:
Mariel ‘binanatan’ nang bonggang-bongga si Robin matapos magpa-interview kay Ogie Diaz
Robin umamin kay Mariel kung kailan huling natukso sa babae; nagseselos sa ‘steak’ ng asawa

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending