Mikael, Megan nakalimutan na naman ang wedding anniversary: 2 years married and 11 years together!

Megan Young at Mikael Daez

SA ikalawang pagkakataon, nakalimutan muli ng Kapuso couple na sina Mikael Daez at Megan Young ang kanilang wedding anniversary.

Kung hindi pa raw nabanggit ng kanilang mga kapamilya at kaibigan ay hindi pa nga nila maaalala ang napakaespesyal na araw sa buhay nilang mag-asawa.

Sa kanyang Instagram account, nag-share si Mikael ng ilang litrato nila ni Megan na kuha sa kanilang wedding noong 2020 kalakip ang pangako na gagawin niya ang lahat para mapanatili ang maganda at tahimik nilang pagsasama.


“On cue, we forgot a major milestone in our relationship once again. Today is our second wedding anniversary! (synchronized face palm from me and Bonez). 

“But then again, this is how we roll and it’s all good in the hood. And just to remind everyone how Boneezy feels about me, you may refer to the second picture in this post. 

“Yes that is Boneezy, plakda po siya. She has fallen and stayed fallen…in love with me! HAHA! But to be honest, I’m just looking for a cheesy excuse to post that picture. 

“And with that, happy anniversary to us! My only message to Bonez is… I shall do my best to make you stay ‘fallen,’” ang kabuuan ng anniversary greeting ng Kapuso actor para sa kanyang beauty queen wife.

Sa kanya namang IG post, nilakipan din ni Megan ng super sweet message and promise kay Mikael ang ipinost niyang black and white wedding photo.

Sey ng aktres sa caption, “2 years married and 11 years together, I’ve always got your back as you’ve always got mine. #bonezfofowedding.

“P.S. Thank you to everyone else for reminding us because we always forget these things,” sabi pa kauna-unahang Pinay Miss World.

Unang pinagtagpo sina Mikael at Megan noong 2010 at naging magdyowa nang sumunod na taon. Limang taong tumagal ang kanilang pagiging engaged couple hanggang sa magpakasal na nga noong January, 2020.

Wala pa silang baby hanggang ngayon dahil gusto pa nilang i-enjoy nang bonggang-bongga ang company ng isa’t isa.

https://bandera.inquirer.net/288239/megan-mikael-umamin-palagi-naming-nakakalimutan-ang-birthday-at-anniversary-namin

https://bandera.inquirer.net/291739/mikael-gusto-uling-makatrabaho-sina-bitoy-paolo-at-antonio-pero-sana-sa-drama-para-maiba

https://bandera.inquirer.net/299786/megan-nadala-ng-emosyon-naisip-ko-paano-nga-kung-maghiwalay-kami-nakakaiyak

Read more...