Kelley Day umalma sa chikang siya ang third party sa rumored break-up nina Tom at Carla: Hindi rin ako buntis!

Kelley Day, Carla Abellana at Tom Rodriguez

INALMAHAN ng beauty queen at Kapuso actress na si Kelley Day ang mga chika na siya raw ang dahilan kung bakit nagkahiwalay umano sina Tom Rodriguez at Carla Abellana.

Mariing itinanggi ng dalaga na may kinalaman siya sa  rumored breakup ng Kapuso couple kasabay ng pakiusap na tigilan na ang pagkaladkad sa pangalan niya sa kontrobersya.

Nag-post siya ng mensahe sa kanyang Instagram Story ngayong araw tungkol sa pagkakaugnay niya sa isyu nina Tom at Carla. Si Kelley Day ay nakasama ng Kapuso actor sa katatapos lamang na “The World Between Us” na pinagbidahan ni Alden Richards.

Bukod dito, mariin ding pinabulaanan ng beauty queen na buntis siya kaya biglang umalis ng Pilipinas at lumipad patungong United Kingdom.

“Many people are speculating about my involvement in a certain rumor/blind item story that seems to have been circulating today,” ang simulang pahayag ng Kapuso star sa kanyang IG story.

Pagpapatuloy pa niya, “So before things get too out of hand, I’d like to clarify that i have no knowledge of/ involvement with the controversy,” paglilinaw pa ng Miss Echo International 2020 1st Runner-Up.

Wala rin daw siyang idea kung bakit na-involve siya sa break-up ng celebrity couple na ilang buwan pa lamang naikakasal.

“I don’t know how or why my name has become linked (I’m surprised too), but what I do know is these accusations about me are false.

“Truth: I’ve travelled to the UK to attend the funeral of a family member and to spend time with my UK-based family,” lahad pa ng dalaga.


Kasunod nito, mariin nga niyang itinanggi na nagdadalang-tao siya, “I am not pregnant (nor have I ever been). I have never had anything close to romantic involvement (or) interest with the person.”

Nasa UK daw siya ngayon para makiramay sa pagpanaw ng isang kaanak at hindi dahil buntis siya para doon manganak. Meaning, fake news ang naglabasang tsismis tungkol dito.

“I have, and always will have the utmost respect for the Couple. They have always treated me with kindness.

“I hope this clears up the false rumors involving me. So much fake news out there nowadays. I hope we can take more caution with what we choose to believe online,” paglilinaw pa ni Kelley.

Wala namang binanggit na mga pangalan ang aktres sa kanyang IG Story pero ang paniniwala nga ng kanyang fans at social media followers, sina Tom at Carla ang tinutukoy niya.

Kelley Day OK na matapos mapabalitang nagka-COVID, pero hindi pa pwedeng umuwi sa Pinas

Miss Eco 2020 1st-Runner Up Kelley Day nega na sa COVID-19

Read more...