Lolit Solis at Vice Ganda
NAKURYENTE si Aling Lolit Solis sa kanyang latest post sa kanyang Instagram account.
Ang claim kasi niya ay binanggit ni Vice Ganda ang kanyang name sa “It’s Showtime” nang magpatutsada ito. Hindi naman nabanggit ng comedian at TV host ang kanyang name.
“Talagang type ni Vice Ganda na maging patola/ampalaya sa akin. Gusto niya ako sumikat kasi binabanggit niya name ko sa Showtime, hah hah.
“Hindi ko akalain na isang komedyante maging pikon sa konting pitik. Sabi ni Jugs hindi tutoo, eh di hindi tutoo iyon balitang powertripping, so ano problema?
“Dapat kay Vice Ganda makuha niya humility at sense of humor ni Dolphy. Si Dolphy kahit at the time na nag slide ng konti ang popularity nanatili ang love at respeto ng tao sa kanya.
“Pag ganyan kadali mapikon si Vice Ganda, baka pag nalaos siya ang maging reaction ng tao, buti nga, kasi pinasukan ng hangin ang ulo. Sa konting pitik o issue, dapat kalmante ka lang, hindi OA sa reaction.
“Para bang wala ka dapat ibang opinyon kay Vice Ganda, dapat sabihin mo lang mahusay siya, popular siya, mabait siya. Bongga! Perfect ang dating, walang mali. Iyon kadalasan ang pinapasukan ng hangin sa ulo, pag ayaw mong pinupuna ka, ayaw mo na may nasasabi sa kilos at salita mo.
“Duda tuloy ako na baka tutoo ang power tripping, dahil nakikita ko na ang sign sa pagiging pikon ni Vice Ganda.
“Huwag kang patola, at lalong huwag kang ampalaya, sige ka, papait sng lasa ng comedy mo, hindi na magiging katawa tawa, kasi may halo ng ampalaya at patola, magiging chopsuey na iyan, corny na.”
‘Yan ang aria ni Aling Lolit sa kanyang IG account, bagay na pinalagan ng fans ng “It’s Showtime” host.
“Natamaan naman po kayo sa sinabi ni Meme eh wala naman pong sinabing name nyo dun natamaan po ba kayo manay sa sinabi ni Meme na nakakapangit ang pagiging Marites?”
“Nanonood ako ng Showtime everyday parang wala namang nababanggit na name nyo…marites lang ang sinasabi…baka nga ikaw yun kasi Marites ka nga.”
“Tsismosang tanga. Hindi ka binanggit ni Vice kahapon. Mali mali mga sources mo.”
“Ikaw ksi nag umpisa ng opinyon mo.. bkit wala ba silang right na defend side nila.”
“AND GUESS? SA TINGIN MO HINDI KA PAPATULAN KASI SENIOR CITIZEN KA NA? HAHAHAHAHA! NAKAKA TAWA PO KAYO KUNG KELAN KAYO TUMANDA KELAN KAYO NAGING PAKELAMERA AT CHISMOSA, SABAGAY YAN NAMAN TALAGA TRABAHO NG MGA NEGA, TO ALL MY CO-UNKABOGABLES SPREAD POSITIVITY NAKAKA CHAKA ANG PAGIGING CHISMOSA.”
‘Yan ang reaction ng mga fans ni Vice Ganda kay Aling Lolit.
https://bandera.inquirer.net/303422/korina-hindi-tatantanan-ang-mga-bayarang-trolls-simula-na-ng-malakasang-laban-in-gods-mighty-name-amen
https://bandera.inquirer.net/295128/mister-ni-alex-humingi-ng-respeto-kay-lolit-solis-wag-po-kayong-gumawa-ng-kwento-sa-ganitong-klaseng-sitwasyon