Nabuntis ng BF | Bandera

Nabuntis ng BF

Joseph Greenfield - September 16, 2013 - 03:00 AM

Sulat mula kay Dory ng Malitbog, New, Corella, Davao del Norte
Dear Sir Greenfield,
Malaki ang problema ko sa ngayon, kasi po nabuntis ako ng boyfriend ko at ang buong akala ko ay papakasalan nya ko, dahil yon ang pangako nya. Pero hindi na po ito mangyayari dahil inamin nya na sa akin ang katotohanang may asawa at pamilya na daw siya. Ang gusto nya ngayong mangyari ay ipalaglag ko na lang ang baby, kaya hindi ako pumayag. Kung ganon daw, uuwi muna siya sa probinsiya nila at kakausapin nya ang kanyang asawa, kung saan parang ang gusto nyang sabihin makikipag-hiwalay na daw siya sa asawa nya para habang buhay na kaming magkasama. Ang tanong ko po ay totohanin kaya nya ang pangako niyang ito? At sa sandaling umuwi siya sa probinsiya nila, natatakot ako baka hindi na siya bumalik? Ano po ba sa palagay nyo, babalikan pa kaya ako ng boyfriend kong ito kahit na may asawa na siya?
Umaasa,
Dory ng  Davao del Norte     
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
    Walang mangyayari sa kasalukuyang relasyon. Ito ang nais ipahiwatig ng dalawang namataang Marriage Line (Illustration 1. arrow 1. at 2.) sa iyong palad. Tanda na dalawang beses kang “makapag-aasawa” o magkakaroon ng seryosong relasyon, ang una ay mawawala at hindi mananaig, ito ang kasalukuyan mong boyfriend (arrow 1.), habang ang ikalawa na paparating palang ang mananatili at magiging panghabambuhay na (arrow 2.).
Cartomancy:
Ten of Hearts, Queen of Spades, at King of Hearts ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa unang pag-ibig at pakikipag-relasyon may matinding kalungkutan at pagtatalusira na mararanasan, ngunit sa ikalawang relasyon na paparating palamang may isang maligaya at pang habang buhay ng pag-ibig na mararanasan.
Itutuloy….

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending