HINDI naman naiwasan ng broadcaster na si Arnold Clavio ang mag-react sa balitang pag-take over ng media company na pag-aaari ni Manny Villar sa frequency ng ABS-CBN.
Laman ngayon ng iba’t ibang media outlets si Manny Villar matapos mapabalita na binigyan ng provisional authority ang Advanced Media Broadcasting System Inc (AMBS) para gamiting ang dalawang frequencies na dating gamit ng ABS-CBN.
Ayon sa business news website na Bilyonaryo.Ph ay nakakuha ito ng mga dokumento na nagsasabing binibigyan ng temporary permit na mag-test broadcast sa analog channel 2 ang AMBS.
Sa Instagram story ni Arnold ay ibinahagi niya ang isang art card mula sa Inquirer.net patungkol sa hot topic sa social media.
“Ano itatawag sa viewer nila? Kabahay? Ka-All Day? Ka-All Home? o Ka-Mella?” he wrote. pabirong tanong ni Arnold.
Matatandaang magda-dalawang taon na ang nakakalipas buhat nang ibasura ng Kongreso ang aplikasyon ng Kapamilya network sa pagre-renew ng prangkisa na nag-expire noong May 4, 2020.
Samantala, ayon naman sa inilabas na statement ng National Telecommunications Commission (NTC), binibigyan nila ng authority ang media company na pag-aari ni Villar na mag-install, mag-operate, at mag-maintain ng digital television broadcasting system sa Metro Manila gamit ang Channel 16.
“After the technical evaluation of AMBS request for a simulcast channel, Channel 2 (the paired analog channel in Mega Manila of digital channel 16) was temporarily assigned to AMBS.
“This temporary assignment is for simulcast purposes only, and only until the analog shut-off scheduled in 2023,” saad ng NTC.
Ayon rin sa NTC order na msy petsa g January 6, mag-ooperate ang Advanced Media mula 7 a.m hanggang 10 p.m sa Starmall Mandaluyong City at ang premit ay gagamitin lamang para sa test broadcast purposes.
Related Chika:
Arnold Clavio nahawa pa rin ng COVID-19 kahit super tindi na ang ginagawang pag-iingat: Be careful everyone!
Arnold Clavio: Sa mga umaasa na ako ay lumala at tuluyang mamatay, panalangin po ang aking alay…