Bea wala pang planong magpakasal at magkaanak: May taxi? Hindi naman ako nagmamadali

Bea Alonzo at Dominic Roque

NANINIWALA ang Kapuso actress at vlogger na si Bea Alonzo na darating din ang tamang panahon para sa pagkakaroon ng sariling pamilya.

Ayon sa girlfriend ng hunk actor-entrepreneur na si Dominic Roque, hindi naman daw siya nagmamadali na mag-asawa at magkaanak at nais muna niyang i-enjoy ang mga opportunities na dumarating sa buhay niya.

Sa pa-Q&A session ng award-winning actress sa kanyang Instagram page, game na game niyang sinagot ang mga maiinit at maiintrigang tanong ng netizens.

Isa nga sa kanyang IG follower ang diretsahang nagtanong tungkol sa kasal at pagkakaroon ng mga anak.

“You’re not getting any younger po, when will you get married and have kids like Marian Rivera, Anne Curtis, Jennylyn Mercado, etc.?”

Ang birong sagot naman sa kanya ni, “May taxi?!” Dugtong pa niya,  “Hindi ako nagmamadali. I’d like to take my time. 

“It’s not a race after all. I believe we all have our own timeline,” dagdag pa niyang tugon.


Sa isang vlog ni Bea kung saan naging guest niya ang dati niyang leading man na si Ian Veneracion, nabanggit niyang pangarap din niya ang magkaroon ng sariling pamilya.

“I want to have a partner for life. I want to have someone to be there to raise a family and build a life with. Sana makahanap ako ng kasing buti mo bilang tatay. I just want a boring family life,” ang sabi ng aktres kay Ian.

Hindi rin daw niya naisip na sa mga kasabayan niya sa showbiz ay siya pa ang mahuhuling magkapamilya,  “Dati ang pangarap ko lang naman, at 28 to get married and have children.

“Tapos ngayon lahat ng fears ko, halos lahat sila about to get married or they are already married and they have their kids. 

“Kapag inisip ko, like I wouldn’t have guessed nu’ng time na yun 15 years ago na ako yung huling mababakante,” aniya pa.

Bea love na love si Dominic: Sobrang inaalagaan niya ako, pinagsisilbihan, hindi nga ako sanay, e!

Daniel, Dominic nagkaproblema dahil sa isa pang anak ni Karla Estrada?

Bea hindi pa rin napapatawad si Gerald; ayaw nang ma-pressure kung kailan magpapakasal

Read more...