Rabiya nagkasugat, nagkapasa sa pagiging action star: If there’s pain, there’s power!

Rabiya Mateo

KINALIMUTAN muna ni Rabiya Mateo ang pagiging beauty queen para karirin ang pagsabak sa aksyon kasama ang kanyang leading man na si Sen. Bong Revilla.

Magkasama ngayon ang dalawa sa weekly fantasy-action drama ng GMA 7 na “Agimat ng Agila: Season 2” na magsisimula na sa darating na Jan. 29.

Talagang hindi nagpatalbog ang bagong Kapuso star kay Bong pagdating sa action stunts sa kanilang kaya naman puring-puri ng actor-politician ang professionalism ng dalaga.

Kuwento ng ating 2020 Miss Universe Philippines, hindi naging madali ang pinagdaanan niyang training para mabigyan ng hustisya ang role niya sa “Agimat ng Agila” at para makasabay sa mga kasamahan niya sa programa.

Gaganap dito si Rabiya as Interpol Agent Asha Raj kaya talagang kinailangan niyang mag-combat training nang bonggang-bongga. 

Sa naganap na online presscon ng “Agimat ng Agila”, binalikan ng beauty queen ang mga adjustments na ginawa niya sa pagpasok sa showbiz at kung anu-ano ang ginawa niya bilang paghahana sa bago niyang project sa GMA.

“I’m very happy, I enrolled myself in boxing classes. Aside from that, kahit private session with our action director Sir Erwin Tagle, we do that para ma-condition talaga ‘yung mind ko, ‘yung body ko na.

“Sobrang layo niya sa pagiging isang beauty queen, but I’m loving the challenge and the transition. I’m forever grateful sa opportunity,” kuwento ng beauty queen.


Inamin din ni Rabiya na talagang nasugatan at nasaktan siya sa ilang ginawa niyang eksena, “I know masakit talaga siya. I know hindi siya biro. 

“Nagkakasakitan talaga, nagkakapasaan din. I guess it’s part of it. I have to be professional about it and magandang training ground siya.

“Sana in the future, marami pa akong mga action scenes, action series na magawa kasi nakikita ko ang sarili ko rito. If there’s pain, there’s power,” lahad pa ng bagong leading lady ni Bong.

Samantala, puring-puri rin ng senador si Rabiya bilang newcomer, “She’s a very good actress and may chemistry rin kami. Nakikita ko na malayo rin ang mararating niya. Malay mo maging action queen ’
yan.

“Ang galing sa stunts, matapang, at magaling umarte. ’Di pa nakapag-workshop nang ganoon katagal ’yan pero ang galing na niya umarte. She’s very smart,” sabi pa ni Bong.

Directed by Rico Gutierrez, kasama rin sa nasabing Kapuso series sina Sanya Lopez, Elizabeth Oropesa, Benjie Paras, Gardo Verzosa, Betong Sumaya, Kim de Leon, Lia Salvador, Sandro Muhlach at Shermaine Santiago.

Magsisimula na ito sa Jan. 29, 7:15 p.m. sa GMA 7.

https://bandera.inquirer.net/298218/rabiya-kinarir-ang-pagboboksing-para-sa-pagiging-action-star-game-na-game-magkontrabida

https://bandera.inquirer.net/296536/beatrice-gomez-bet-maging-action-star-willing-gumawa-ng-stunts-kahit-walang-ka-double

Read more...