Alodia sa pagiging game streamer: May 2 reasons siguro kung bakit ka pinanonood

Alodia Gosiengfiao

PARA sa cosplayer, vlogger at gaming streamer na si Alodia Gosiengfiao, may dalawang rason kung bakit nakakakuha ng maraming viewers ang isang online gamer.

Isa si Alodia sa mga celebrities na kilalang-kilala sa mundo ng Esports na itinuturing ngayong pinakamaunlad na industriya dahil sa mas pinabongga pang teknolohiya.

Napanood namin ang social media influencer at Tier One Entertainment co-founder sa isang throwback episode ng “Bawal Judgmental” sa “Eat Bulaga”.

Dito naibahagi niya kung paano nag-start ang career niya bilang YouTuber at pagiging streamer at bakit nga ba mabilis siyang nakakuha ng sandamakmak na followers at viewers.

Aniya, nagsimula ang pagiging content creator niya noon pang 2008 — bini-video niya ang mga kaganapan sa pinupuntahan niyang cosplay events, hanggang sa pasukin na niya ang pagba-vlog at pag-i-stream ng kanyang mga games.

Ito’y ginagawa niya habang nag-aaral, “Ang ginawa ko naman binalanse ko, tinapos ko ‘yung studies ko tapos nag-full time ako sa pagko-cosplay at sa pagge-gaming.

“And so far luckily naging industriya ito na malaki and nakatutulong siya sa mga tulad namin na mga geek na maging full time career ito,” kuwento ni Alodia.

Pahayag pa niya, pwedeng-pwede na rin daw magsimulang maging online gaming streamer sa lahat ng social media platforms ngayon kaya mas marami na ang nahuhumaling dito.

“Actually yung pag-i-stream is pwede sa lahat. Nag-adjust na rin ‘yung iba pang platforms meron sa Instagram, meron sa TikTok, YouTube, sa Facebook, at sa Twitter. Lahat ‘yun iba’t ibang format,” sey pa ng ex-girlfriend ni Wil Dasovich.

Chika pa ng dalaga, may dalawang rason kung bakit nakakukuha ng maraming followers at viewers ang isang game streamer.

“May 2 reasons siguro kung bakit ka pinapanood, it’s either pro-player ka or pwede rin dahil sa entertainment value na pino-provide mo sa kanila. 

“So pwedeng comedian ka or nagko-cosplay ka or mayroon kang itinuturo na values or like how to set-up your stream,” dagdag pa niyang chika.

“For fellow gaming streamers, or the ones who want to start, enjoy niyo lang and make sure you have fast Internet para makalaro kayo nang maayos,” ang isa pang advice ni Alodia sa mga kapwa gamers.

https://bandera.inquirer.net/303113/alodia-nilinaw-ang-ako-nga-pala-ang-sinayang-mo-viral-post-so-sorry-for-the-confusion

https://bandera.inquirer.net/284014/paulo-ginawa-na-ring-negosyo-ang-pagiging-gamer-nagbibigay-ng-ayuda-sa-local-streamers

Read more...