Jam Magno permanently suspended sa Twitter: How on Earth did this happen?

Jam Magno permanently suspended sa Twitter: How on Earth did this happen?

HINDI makapaniwala ang social media personality na si Jam Magno sa sinapit ng kanyang Twitter account.

Sa kanyang Facebook account ay ibinahagi niya ang isang screenshot kung saan makikita ang warning sa kanya ng nasabing social media app dahil sa naging paglabag niya diumano sa Twitter rules na siyang nagresulta sa permanenteng pagkakasuspende niya sa naturang social media site.

“Your account is permanently in read-only mode, which means you can’t Tweet, Retweet, or Like content. You won’t be able to create new accounts,” saad nito.

Samantala, hindi naman sigurado si Jam sa kung ano ang naging dahilan ng kanyang pagkakasuspende sa Twitter. Kung ito ba ay dahil sa kanyang lantarang pagsuporta sa pagtakbo ng dating senador na si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr o ang kanyang pagkadisgusto kay Vice President Leni Robredo.

“HOW ON EARTH DID THIS HAPPEN? Uhm, should I be shocked? They just talked about this at the BBM interview. Am I part of the 300? I am 5000000 confused. Is it because I tweet against Leni? And because I like BBM?” saad niya.

Sa ngayon ay deleted na ang Facebook post ni Jam Magno.

Hindi lang ito ang unang pagkakataon na nasuspende si Jam ng social media site.

Matatandaang noong May 2021 ay na-ban na siya sa video-sharing site na TikTok matapos lumabas sa mga reports ang kanyang “multiple violations of community guidelines” sa nasabing site.

Isa si Jam Magno sa mga social media personality na lantarang sumusuporta sa kasalukuyang pangulo na si President Rodrigo Duterte.

 

Read more...