KUMABOG ang pitong buwang buntis sa kanyang majorette performance sa isang pista sa Barangay Kay Buto, Tanay, Rizal nitong Linggo Enero 23.
Kinilala bilang si Nicole Caimoy-Marbelle, isa siyang band leader at soloist kaya naman ayaw paawat kahit na juntis!
Ang nasabing bidyo ay iniupload ni Sharmaine Federizo, na bahagi rin ng banda.
Kinaaliwan ito ng netizens sa Facebook kung saan umani ito ng 792k views, 14k reactions at 10k shares habang sinusulat namin ang ulat na ito.
“Nagulat din po kami kasi hindi ko inexpect na magso-solo po siya after namin sumayaw,” ani Federizo sa panayam ng Inquirer.
“Nagulat [ako] kasi hindi ko inexpect na magviviral siya, kasi hindi ko rin alam na may nagvideo,” reaksiyon naman ni Marbella.
May nakakaaliw, nakakaloka, at good vibes ba kayong kwento, larawan, o bidyo? Ipadala lamang sa amin sa: inq.news/BAI. (Mula sa ulat ni Kristhel Joy Dalanon/INQUIRER.net trainee)