Showbiz couple na bagong kasal hiwalay na agad, female star na nakatrabaho ng aktor sinisi

Mahulaan mo kaya?

TRULILI kaya ang tsikang hiwalay na ang aktor at aktres makalipas lamang ang ilang buwan ng kanilang pagpapakasal? 

Tsika ng aming bubuyog, totoong hiwalay na ang showbiz couple dahil nahuli ni aktres si aktor na sweet-sweetan sa isang female star na nakasama niya noon sa isang TV series?

Kung totoo ito nakapanghihinayang naman dahil ang tagal nila bago nagpakasal. Nag-ipon muna kask sila para sa importanteng okasyong ito para sa kanilang buhay lalo’t bongga ang gustong wedding ng aktres.

Katwiran nito, once in a lifetime nga lang naman mangyayari sa isang babae ang maikasal sa lalaking pinakamamahal niya.

Bukod dito ay kinaiingitan din sila ng kapwa nila artista dahil matibay ang naging samahan nila noong magnobyo’t nobya palang sila kahit sandamakmak na pagsubok ang  kanilang kinaharap ay hindi sila naghiwalay dahil sobrang mahal nga nila ang isa’t isa.

Napakabait ni aktor, pasensyoso at mahusay makisama at higit sa lahat, marunong humawak ng kinikita niya at gayun din si aktres pero lagi siyang firm pag nagdesisyon at hindi na mababali kahit anong mangyari.

Inisip namin na baka kasi sa sobrang bait at husay makisama ni aktor ay naiba ang interpretasyon ng asawang aktres nang makitang may iba itong kausap na aktres din.

Pero sabi nga kapag asawa mo at matagal kayong naging magkasintahan ay kilala mo na ang kilos, galaw at kung paano ito tumingin at makipag-usap.

Sana maayos pa ito o sana bigyan pa ng second chance ni aktres ang asawang aktor dahil nakapanghihinayang talaga saka wala namang record itong nangaliwa o tumingin sa ibang babae noong hindi pa sila kasal.

Sa kasalukuyan ay wala kaming alam kung may on-going project ang ex-showbiz couple na ito ngayon.

https://bandera.inquirer.net/292400/anyare-kiko-estrada-heaven-peralejo-hiwalay-na-nagkasawaan-agad

https://bandera.inquirer.net/298066/look-celebrities-na-naghiwalay-ngayong-2021

Read more...