Maricel Soriano
BONGGA! Nakatakdang gumawa ang Diamond Star na si Maricel Soriano ng US film na tatalakay sa makulay at inspiring na buhay ng isang transgender moviestar.
Makakasama ni Maria sa romcom film na “Re-Live: A Tale of an American Island Cheerleader” ang mga Filipino-American actress na sina Rain Valdez at Rachel Leyco.
Ayon sa ulat ng Variety, gagampanan ni Maricel sa pelikula ang karakter ni Thelma, ang nanay nina Rowena (Rain) at Rochelle (Rachel).
Iikot ang kuwento ng “Re-Live” sa buhay ni Rowena, na isang “transgender movie star who returns to her home in Guam for her high school reunion.”
Ang “Re-Live” ay isinulat din nina Rain at Rachel at magsisilbi ring directorial debut ni Rain.
Base sa inilabas na joint statement nina Rain at Rachel, inilarawan nila si Maricel bilang isang “legendary Filipino actress”.
“Having a legendary Filipino actress like Maricel Soriano strengthens our commitment to telling our stories from our authentic experiences and for our Filipinx diaspora.
“Now more than ever, this empowers us to further highlight our communities at a time when visibility must be taken to new heights to fight against the rise of anti-trans and anti-Asian violence,” pahayag pa ng dalawang bida ng nasabing pelikula.
Sa mga hindi pa masyadong pamilyar sa gaganap na mga anak ni Maria sa movie, si Rachel Leyco ay isang Filipino-American actress, filmmaker at writer. Una siyang nakilala sa theater at nakapag-guest na sa NBC series na “Chicago Fire.”
Si Rain Valdez naman ay isang Philippine-born transgender actress na na-nominate sa Primetime Emmy Awards para sa series na “Razor Tongue.”
Nabatid na magsisimula nang umikot ang mga camera para sa “Re-Live” sa November, 2022. Kukunan ang kabuuan ng pelikula sa Hawaii at Guam.
Ang executive producer ng “Re-Live” ay si Jhett Tolentino in association with Fae Pictures ni Shant Joshi.
https://bandera.inquirer.net/286355/maricel-pinatunayang-hindi-umaasa-si-meryll-sa-kayamanan-ni-willie
https://bandera.inquirer.net/284684/chr-mag-iimbestiga-sa-pagkasawi-ng-isang-transgender-sa-qc