Alden napaiyak dahil sa mga pinag-aaral na iskolar: Isa ako sa mga katulad nila noon

Alden Richards

NAPALUHA ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards nang mapanood at marinig ang mensahe ng pasasalamat mula sa kanyang mga scholar.

Ayon sa Kapuso Drama Prince, ang tinutulungan niyang mga kabataan ang nagsisilbing inspirasyon niya para mas lalong magsumikap sa buhay.

Last Sunday, sa “Kapuso Mo, Jessica Soho”, ipinakilala ang ilan sa mga estudyanteng tinutulungan ni Alden para makapagtapos ng kanilang pag-aaral.

Una na nga riyan si Maria Elena Miguel na seven years na niyang tinutulungan, sinundan ni Niño Dayon na putol ang mga braso at si Marvelou de Guzman na anak ng isang manikurista na isang single parent.

Kabilang ang mga ito sa mga scholar ng AR Foundation na itinatag ni Alden, “When it comes to education kino-consider ko siya na investment ko to change people’s lives. 

“That’s the most precious gift you can give to someone na dadalhin nila in their lifetime.

“Kaya I’m very passionate about this kasi I was there, isa ako sa mga taong ganoon (hirap makapag-aral) before,” pag-amin pa ng binata.

Samantala, ipinalabas din sa “KMJS” ang pagbisita ni Alden kay  Maria Elena na taga-Biñan, Laguna. Dito nakilala rin ng publiko ang nanay ni Elena na si Mercedes Miguel na dating OFW.

Mula raw nang magkasakit siya sa puso ay hindi na niya kinaya na masuportahan ang pag-aaral ng anak, “Nu’ng panahon po na wala na talagang magawa, kinausap ko po siya. Sabi ko ‘Anak, baka pwedeng si Kuya mo muna ang pagtapusin natin?'”

Pero bigla ngang dumating sa buhay ni Elena si Alden, “One day po na-meet ko po si Kuya Alden, sabi niya po ‘Sagot ko na ang tuition fee mo hanggang sa makatapos ka.'”


Mensahe naman ng ina ni Elena, “Thank you, Alden kasi ikaw lang talaga ang nakatulong sa amin. Na-save po niya ang pag-aaral ng anak ko, sobrang bait po niya, blessed po talaga kami na nakilala namin siya.”

Tugon naman ni Alden sa kanya, “We help people who are deserving and worth the efforts para maabot nila ‘yung mga pangarap nila sa buhay.”

Sa isang bahagi ng programa ni Jessica, ipinanood kay Alden ang mga mensahe ng kanyang mga scholar, dito na nagsimulang mamuo ang mga luha ng aktor.

“Wala akong masabi, parang helping these kids is worth a lifetime for me kasi yung vision ko for them ‘yung dating ako I was able to save these kids from that moment,” ang nangiyak-ngiyak na reaksyon ni Alden.

Siguradong mas marami pang matutulungan ang premyadong Kapuso star dahil sa kanyang benefit docu-concert na “ForwARd: Meet Richard R. Faulkerson, Jr.” na mapapanood na sa Jan. 30.

https://bandera.inquirer.net/295617/alden-wala-pa-ring-lovelife-magti-30-na-ako-its-about-time-na-ako-naman

https://bandera.inquirer.net/291612/bea-ipapasok-daw-sa-serye-nina-alden-at-jasmine-gerald-kinampihan-ni-rr-enriquez

Read more...