Kris sinabihan ng ate na wag nang mag-post tungkol kay Mel: But nakahanap ako ng loophole sa request n’ya

Mel Sarmiento at Kris Aquino

FOLLOW-UP ito sa nasulat namin ngayong araw dito sa BANDERA tungkol kay Kris Aquino kung saan sinagot niya si Manay Lolit Solis na inakalang nagkabalikan sila ng dating fiancé na si Mel Senen Sarmiento.

Detalyadong ikinuwento ni Kris ang lahat ginawa sa kanya ng dating kalihim ng DILG na ikinagulat ng kilalang talent manager at isa sa host ng “Take It…Per Minute (Me Ganu’n)” sa Facebook.

Ito ang post ngayong araw ni Manay Lolit sa kanyang Instagram account, “Thank you kay Kris Aquino sa pagsagot niya du’n sa mga balita na baka magkabalikan sila ni Papa Mel.

“At least na clear niya iyon maraming tanong na nasa isip ng mga followers niya. Akala pa naman ng lahat natagpuan na ni Kris ang ‘the one’ para sa kanya, pero kung babasahin mo ang naging sagot niya parang umpisa pa lang ay hindi na buo ang nararamdaman niya kay Mel.

“Masakit nga siguro iyon nag try ang ate niya (Balssy Aquino-Cruz) para kausapin si Mel pero iniwasan niya at hindi sinagot ang tawag ng ate ni Kris. So, nuon pa lang pala medyo may mga ginagawa ng palpak si Mel, kaya mas mabuti ngang naghiwalay na sila.

“Plus iyon hindi pala kaya ni Mel na lagi nasa tabi ni Kris lalo ngayon dahil sa kalagayan nito. Iyon hindi puwede i-sacrifice ni Mel iyon pag shopping niya sa isang middle class na clothing shop at pagpunta sa barbero. At how gross na sa text lang niya binreak si Kris Aquino.

“Sayang talaga dahil nga akala ng lahat ito na ang hinihintay na matagal ni Kris, at inakala pang kasundo ng mga anak niya, pero hindi pala. How sad. Sana naman hindi gaanong nasaktan si Kris at nakamove on agad, kundi dagdag stress pa sa kanya iyon break up nila ni Mel.

“Hindi bale na, for sure, ang lucky the one ni Kris nandiyan lang, naghihintay din ng tamang timing. Magtatagpo din tiyak ang dalawang iyan, in God’s time. Pray natin Gorgy at Salve. Kris deserves to be loved, and has so much love sa puso niya na puwede niya ishare. Sana matagpuan na niya ang kanyang forever.”

Pinagbawalan ng ate Balssy niya si Kris na huwag nang magpo-post ng anuman tungkol sa nangyari sa kanila ni Mel pati na rin ang pagtawag nito para magkausap sila at maliwanagan kung anong nangyari.


Sumunod naman ang bunsong Aquino dahil hindi na talaga siya nagpo-post, pero hindi naman siya pinagbawalang sumagot sa post ng ibang tao kaya hayun, naidetalye pa rin niya ang buong nangyari.

Anyway, pagkalipas ng dalawang oras na pinasalamatan ni Manay Lolit si Kris ay may sagot ulit ang TV host.

“Nay- TRUTH … Ate said for the sake of peace NEVER post anything about what I had gone through & what he had done to me- just let go and thank God you found out early enough…

“Nay- I obeyed because my Ate is really like a 2nd mom to me. And I can never say NO to just 3 people- Ate & my 2 sons.

“BUT nakahanap ng loophole sa request n’ya- she said for ME to never post-pero she didn’t specify na ‘wag ako mag comment sa posts ng iba… hindi ko alam why yesterday as I was scrolling through IG, I saw your post. So you know your Tetay- I found a way to still obey my Ate but finally reveal my TRUTH.”

Maraming nakisimpatiya kay Kris at nagpayong kalimutan na ang mga nangyari na nagbibigay ng sama ng loob sa kanya.

Mula kay @thessamm, “@krisaquino Kung sino pa talaga yung mga pangit sila pa may lakas ng loob magloko at mang-gamit. Hope you feel better soon.”

Say ni @cathyeque, “@krisaquino not all queen needs a king. You’re a warrior Ms. Kris. Nagiging stress lang sayo lagi ang mga lalakeng yan. You have your sons. Mahal na mahal ka nila. Pagaling po kayo. (emoji praying hands).”

Sang-ayon din si @jenny_obt, “Sa kalagayan ni Kris imposibleng may someryoso pa sa kanya. Kung meron man sa malamang gagamitin lang sya nito. Kung ako kay Kris ay mag focus na lang sya sa health nya. May mga anak naman syang tunay na nagmamahal sa kanya. Kapag gumaling na talaga sya , malay natin ay dun na nya makita ang forever nya.”

Sabi naman ni @btboop126, “As a woman, I feel sorry for Kris; lots of empathy for her. No woman deserves such treatment. When the news came out b4, I was hoping it’s just misunderstandings. I can’t fathom that such a man w/that stature could inflict such pain @ one’s lowest point in terms of health.

“To think the ppl close to her thought he was the one. Omg! Hindi ba dapat nandoon ang isang tunay na lalaki sa PANAHON na kailangan kung tunay ang Pagmamahal. No balls @ all, if everything she said is true. Kris, the Lord is beside you, guiding you unceasingly. Mama Mary you. Still hoping you will find a godly man. God bless.”

Komento naman ng netizen na ang ama ay naging empleyado ni Kris na si @lafemmemaryiah, “Kris will never b understood by those who do not know her personally. My Dad who had been her driver/bodyguard loves her as his own. As he always explained Kris just wanted to be loved. Her father was not around for very long. So miss @krisaquino live ur life as u want it to be. Be d happiest. Love u much.”

Agarang paggaling at panalangin din ang alay ni @trishlovessunsets, “@krisaquino it just right that you don’t keep mum so people will know the truth. We worry so much about you because we love you. We will continuously pray for you, Kris. God is with you, and we are all rooting for your good health, peace of mind and happiness because you are a good person.”

Hugot ni Kris sa biglang paghihiwalay nila ni Mel Sarmiento: It’s not my loss…#truth

Lolit apektado sa hiwalayang Kris Aquino-Mel Sarmiento: Deserving kang mahalin

Read more...