Sharon Cuneta
SA Silang, Cavite pala itinatayo ang mala-hotel at shopping center na bahay ni Sharon Cuneta na may sukat na mahigit 3,000 square meters.
Ito’y base na rin sa post ng Megastar ngayong hapon sa kanyang Instagram account kung saan makikitang binisita niya ang site at hindi pa nga tapos pero kitang-kita kung gaano ito kalawak.
Ang caption ng aktres at singer sa dalawang larawang ipinost niya, “Our first visit to our home-in-construction in Silang today. By our future front door. With our architect @conrad_onglao and our great contractor Antonio Limchoc. Best team! @limchoc.construction (emoji praying hands and three hearts).”
Ang arkitekto ng bahay nina Sharon ay ang partner ni Zsa Zsa Padilla na si Conrad Onglao na siya ring nagdisensyo ng magandang rest house nila ng Divine Diva na pinangalanang Casa Esperanza sa Lucban, Quezon.
At kung hindi kami nagkakamali ay siya rin ang in-charge sa ipinagagawang Dolphyville ng mga anak ng yumaong King of Comedy na si Mang Dolphy headed by Eric Quizon.
Going back to Sharon ay base sa mga larawang ibinahagi niya ay mukhang matatagalan pa bago matapos ang bahay niyang tila kasinglaki at kasinghaba ng Megamall na kitang-kitang pulido o buhos ang pagkakatayo ng mga pader at hamba.
Matatandaang noong Abril, 2021 ay ipinost ni Shawie ang ipinagagawa niyang bahay na ang unang natapos ay ang basement parking.
Ito ang post ni Sharon noong Abril 7, 2021 sa IG account niya, “House Construction Update: Basement parking done. Ground floor being worked on now on the Family House Wing. This is half of our whole house.
“They are now excavating and starting on the other half of the house, which is MY wing. Yes I will have my own half of the home for my books, clothes, studio for vlogs, maybe a small recording studio, dressing room, etc. – my ‘She-Cave.’
“So inuna muna yung main house naming pamilya. Connecting ang house ko na may basement so 3-stories siya dahil hindi pang parking ang basement ko.
“Matapos sana agad – pero mga 1-1/2 years pa siguro – para lahat ng doggies ko makalipat na rin sa house nila sa may pool, may garden na kami at may sariling kuwarto ang iba sa doggies ko sa family home.
“For those asking, the total floor area of our home will be about 2,300 sqm. built across 5 lots (total lot area more or less 3,000 sqm.), scaled down from the original plan of 3,500 sqm. floor area, not including the pool, poolhouse and doghouse of course.
“From my contractor: ‘good morning po Ms sharon, sending pics of the site taken yesterday. We are currently working on the main house ground floor structural floor works and have started excavation works at your private house po. thank you po. have a blessed weekend and stay well po always. @conrad_onglao @limchoc.construction.”
Kung masusunod ang timeline ni Sharon na isang taon at kalahati matatapos ang bahay niya sa October or November ngayong taon o bago mag-Pasko para may allowance pa.
Nalula naman ang follower ni Mega sa laki ng front door, “@iaruchan Susmaryosef front door palang yan Mega, mega-front door, congratulations.”
At mukhang kapitbahay ng mga Pangilinan si @elypotnishasha07, “@iamneamedina saaammiinn din hahahaha parang feeling ko abot kamay na natin sya mars! Hahahaha ‘yung pwede hatidan ng ulam.”
Napuri naman ni @rhod_hugo ang arkitekto at contractor ng bahay ng aktres, “Great combination of Architect and Contractor. Both had good reputation in the industry.”
https://bandera.inquirer.net/288139/alice-nadukutan-habang-nagsa-shopping-sa-mall-mag-ingat-sa-dumidikit-dikit-sa-inyo-sa-public
https://bandera.inquirer.net/294853/aljur-aj-huli-sa-akto-magkahawak-kamay-habang-nasa-mall-kylie-walang-pake
https://bandera.inquirer.net/291762/francine-naibili-na-ng-bahay-at-sasakyan-ang-pamilya-pangarap-ding-makakuha-ng-college-diploma