Vice Ganda
INALOK ang TV host-comedian na si Vice Ganda na tumakbo sa isang mataas na posisyon para sa darating na May, 2022 national elections.
Diretsahang inamin ng Phenomenal Box-Office Star na may natanggap siyang offer mula sa isang grupo na kumandidato sa Eleksyon 2022 pero agad daw niya itong tinanggihan.
Sa panayam kay Vice ni Vicky Belo na mapapanood sa latest vlog nito sa YouTube, natanong ang dyowa ni Ion Perez tungkol sa mundo ng politika.
Sa isang bahagi ng vlog, ipinakita ang recorded video ni Derek Ramsay tinanong kung saan tinanong nga ang TV host kung ano ang masasabi niya sa posibleng pagpasok sa public service.
Dito na nga niya inamin ang tungkol sa offer na tumakbo siya para sa isang mataas na posisyon sa gobyerno na talagang ikina-shock daw niya.
“Politics, sa ngayon ha? Siyempre I cannot sabihin never, baka lamunin, hindi ko alam, pero sa ngayon, no.
“Ayokong magsalita nang patapos. May nag-offer sa akin mataas na position. Naloka ako! Hindi ako magaling du’n.
“Feeling ko puwede akong manalo dahil marami akong followers, maraming fans, maraming boboto sa akin.
“Pero hindi ako magaling du’n so bakit ako pupunta roon? Ipapahamak ko ang Pilipinas? Not because you can win, you will run,” ang pahayag pa ni Vice.
Hindi naman nagbigay ng karagdagang detalye ang komedyante tungkol dito — kung anong partido ang nag-alok sa kanya at kung anong posisyon.
Samantala, sa isang bahagi pa ng video, tinanong naman si Vice ng young actress na si Francine Diaz ng, “Ano po yung best age na magkaroon ng boyfriend?
Reply ng komedyante, “Wala namang best age. Yung age na mature ka na, I think that’s the best age. Iba iba ang sensibilities at sensitivities ng tao.
“May iba 30 na pero wala pa rin pinagkatandaan. I was forced to be mature, by the circumstances, to take care of myself,” aniya pa.
https://bandera.inquirer.net/293392/pagtakbong-pangulo-ni-pacquiao-umani-ng-papuri-at-batikos-binantaan-agad-ang-mga-corrupt
https://bandera.inquirer.net/293302/janine-gutierrez-naniniwalang-di-dapat-tumakbo-sa-eleksyon-ang-mga-taong-dawit-sa-korupsyon