SINAGOT ng GMA Network ang naging statement ng kampo ng presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos laban sa broadcast journalist na si Jessica Soho.
Usap-usapan kasi ang hindi pagtanggap ng dating senador sa imbitasyon na mag-participate sa “The Jessica Soho Presidential Interviews”.
“GMA Network takes exception to the statement of the camp of former senator Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. that Kapuso news pillar Jessica Soho is supposedly biased against the Marcoses, the reason for the presidential candidate to decline participation on “The Jessica Soho Presidential Interviews,” saad ng Kapuso network sa kanilang statement.
Giit pa ng broadcast giant, sa buong karera ni Soho, consistent siya sa pagiging pinaka pinagkakatiwalaan na media personality sa Pilipinas ng mga local at international organizations, isang patunay na ini-embody ng mamamahayag ang kanilang ethos na “Walang kinikilingan, Walang Pinoprotektahan, Serbisyong Totoo Lamang”.
“It is unfortunate that Mr. Marcos has chosen to decline the invitation extended by the network to participate in “The Jessica Soho Presidential Interviews,” even as four other aspirants — Sen. Panfilo Lacson, Manila Mayor Isko Moreno, Sen. Manny Pacquiao, and Vice President Leni Robredo — have chosen to participate and take the opportunity to explain their advocacies to the public.”
Ayon pa sa GMA, hangad lang ni Soho na itanong sa mga presidential aspirants ang mga mahahalagang katanungan tulad na lang ng kabilang intensyon sa pagtakbo, mga kontrobersyal na kanilang kinasangkutan, ang kanilang mga paniniwala o stand sa mga kasalukuyang isyu ng bansa, at ang kanilang mga konkretong plano sakaling sila ang manalo.
“The questions are tough because the job of the presidency is tough,” diin ng network.
Ayon kay Atty. Victor Rodriguez, chief of staff at spokesperson ni Marcos, biased daw ang broadcast journalist laban sa mga Marcos kaya hindi pinaunlakan ng dating senador ang imbitasyon.
Saad pa niya, naniniwala ang kanilang kampo na magpopokus lamang sa mga “negativity” na ibinabato kay Marcos ang mga magiging tanong ni Soho.
Samantala, pinaunlakan naman ng apat pang presidential candidates na sina Vice President Leni Robredo, Sen. Panfilo “Ping” Lacson, Mayor Isko Moreno at Sen. Manny Pacquiao ang imbitasyon ng GMA.
Related Chika:
Jessica Soho todo pag-iingat sa kalusugan matapos makipaglaban sa pneumonia