Willie ipinasilip ang kanyang Santorini-inspired hotel; netizens namangha

Willie ipinasilip ang kanyang Santorini-inspired hotel; netizens namangha

ERU ang pangalan ng napakagandang hotel na ipinatayo ng “Wowowin” host na si Willie Revillame sa Tagaytay City na ipinasilip niya sa kanyang subscribers sa YouTube channel nito.

At kaya Eru, “Barangay Iruhin po Central dito sa Tagaytay ‘yang nakikita n’yo po, e, halos okay na ang problema lang ay wala pa kaming management, wala pang nagma-manage ng hotel, wala pa ring nagma-manage ng restaurant pero abangan n’yo ‘yung restaurant na bubuksan dito is actually a beautiful place para kang nasa Santorini (Greece).

“Ang weather ho dito ang advise ko lang hindi lang ho kayo naka-pants, naka-sweatshirt (kundi) naka-jacket ho dahil sobra ho talaga ‘yung lamig dito pero ang sarap ng feeling talaga na malamig na may pagka-windy pa, so abangan n’yo.”

Ayon pa kay Willie ay puwedeng ganapin doon ang seminars, weddings at team building pero kailangan ng reservation.

Inunahan na niya na, “hindi po pupuwede dito ‘yung basta papasok kayo, hindi po. By reservations po ‘yan lahat (advance) bookings po ‘yan lahat.”

Nakuwento rin na may taltong ektarya ang lawak ng lugar pero isang ektarya palang ang na-develop na tinayuan ng hotel na at ang natirang dalawa ay inaayos pa para sa private houses na tatawaging Eru Estates.

Sa kasalukuyan ay nakahanda na ang naggagandahang 25 rooms na puwedeng gamitin at kasalukuyang inaayos ang presidential suites.

Nakalulula dahil hindi pa pala presidential suites ‘yung mga ipinakita, kung baga ordinaryong kuwarto palang, so, ano kaya ang itsura ng VIP at presidential suites?

Nagulat din kami sa view ng hotel na nasa tuktok ng bundok dahil 360 degrees na kitang-kita ang lahat at higit sa lahat, malawak ang parking lot na kaya ang 80 cars base na rin kay Willie.

 

 

Ipinakita rin ang sunset lounge sa lobby ng hotel kung saan kasya ang 150 pax na hopefully ay bukas na ito ngayong Pebrero 2022.

Sabi pa ni Willie, “Sa mga gustong magpakasal, ito po ang perfect place for you at sa caterings ay kayo ang mamimili at pag-uusapan naman. Dahil sa pandemya kaya hindi pa ito kaagad nabuksan.”

Sa kasalukuyan nga ay sa Eru Hotel-Resort ginaganap ang live broadcast ng “Wowowin” habang nasa alert level 3 ang NCR.

Halos lahat ng nabasa naming komento ay hangang-hanga sa napakagandang Santorini inspired hotel ni Willie at ang ilan sa nabasa namin:

“Ang ganda ng hotel and resort mo Will. Mabuti ka jasing tao kaya hindi ako nagtataka na lalo kapa pinagpapala ng ating Panginoong Diyos. I pray na bigyan ka pa ng mahabang buhay ni Lord In JESUS MIGHTY NAME AMEN,” say ng netizen.

“Napaka ganda po Kuya Will ng resort mo sa Tagaytay tunay kang pinagpala dahil may mabuti kang kalooban, sa dami ng iyong natulungan ipinagdarasal ka ng lahat ng mga yan tunay na ikaw ang ginawa ng Panginoong Jusukristo na maging daluyan ng biyaya na nagmumula sa Panginoong Jesus, sana humaba pa ang buhay mo Kuya Will at maipagpatuloy mo ang mabuting gawaing nasimulan mo more powers, WE LOVE YOU, GOD BLESS.”

Kaarawan ni Willie sa Enero 27 at wala siyang party dahil ang gagastusin daw niya ay ipapamahagi niya sa mga nangangailangan at dadagdagan din niya ang premyo para sa mga loyal viewers niya ng “Wowowin: Tutok to Win”.

 

Related Chika:

Willie hinangaan ni Cristy Fermin: Ang kanyang mga palad ay bukas sa patulong sa ating mga kababayan

 

Read more...