KASAMA ka rin ba sa mga napakanta at napasayaw ng sikat na sikat na children song na “Baby Shark” na nagmula sa South Korean educational company na Pinkfong?
Oh well, kung yes ang sagot mo, siguradong isa ka rin sa mga dahilan kung bakit may bago na naman itong nakuhang titulo sa Guinness World Records as “most-viewed YouTube video of all time.”
Ang “Baby Shark” na ngayon ang may hawak ng record bilang kauna-unahang video sa YouTube na nakakuha ng 10 billion views.
Habang sinusulat namin ang balitang ito ay meron nang 10,047, 262,320 views ang “Baby Shark.”
Ini-release ang nasabing music video ng Pinkfong noong June, 2016 hanggang sa mag-viral na ito sa Indonesia at South Korea at mabilis na ngang kumalat sa iba pang bahagi ng Asia.
At mas naging phenomenal pa ito sa buong mundo nang magkaroo ng sariling version ang Guinness World Records title holder na BLACKPINK.
“The catchy singalong by Pinkfong (Republic of Korea) was first uploaded in 2016, becoming the most viewed children’s music video on YouTube, before surpassing Luis Fonsi’s ‘Despacito’ in 2020 as the most viewed music video on YouTube and the most viewed video on YouTube overall,” ayon sa statement ng Guinness World Records na naka-post sa kanilang website.
“Sung by Hope Segoine, aged 10 years old at the time, it peaked at No. 32 on the US Billboard Hot 100 and No. 38 in the Global 200,” ang nakasaad pa sa nasabing statement.
“Baby Shark has united children worldwide in their love for the song and equally united parents in their hate for it. With over two times more likes than dislikes on it’s YouTube video, and a new Guinness World Records title to it’s name, it seems the kids are winning,” ayon pa sa GWR.
In fairness, ginawan din ng TV show ang “Baby Shark” sa Nickelodeon with matching live tour pa.
At para ipagdiwang ang latest achievement nila, nag-imbita ang Pinkfong ng mga bata mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo para ibahagi ang kanilang “Baby Shark” moments.
https://bandera.inquirer.net/296684/in-photos-celebrity-kiddos-bumida-sa-ibat-ibang-halloween-pakulo
https://bandera.inquirer.net/280120/ivana-kikita-ng-p1m-sa-palimos-vlog-sa-youtube-pero-pwede-raw-kasuhan