Ian, Matet, Kenneth, Kiko, Lotlot de Leon at Nora Aunor
SUNUD-SUNOD na ipinagtanggol nina Ian de Leon, Christopher de Leon at Sandy Andolong ang aktres na si Lotlot de Leon sa isyu ng pagiging ampon nito.
Naging hot topic kasi sa social media ang pagsagot ni Lotlot sa mga netizens na nam-bash at nambastos sa kanya nang mabalitang siya lang ang wala sa New Year’s celebration ng mga anak ni Nora Aunor.
Ayon sa isang Noranian, kung hindi raw inampon ng Superstar si Lotlot ay baka hindi niya naabot ang estado ng buhay niya ngayon. Matagal na ring napapabalita na may malalim na tampuhan ang mag-ina.
Si Lotlot ay adopted daughter nina Ate Guy at Christopher habang ang aktor namang si Ian de Leon ay biological son nina Christopher at Nora si Ian.
Ang iba pang ampon nina Nora at Christopher ay sina Matet, Kenneth, at Kiko de Leon.
Hugot ni Lotlot sa kanyang Facebook at Instagram accounts nitong nagdaang Lunes, Jan. 17, lahat ng mga ampon ay may mga human rights din na kailangang igalang at irespeto. At lalong hindi niya ikinahihiyang adopted siya.
“So let’s just put this out here already! Yes I am adopted and yes I am also human!
“I am not a commodity, I am my own person who have feelings too,” diin pa ng aktres kasabay ng pagsasabing thankful siya sa lahat ng mga nangyari sa kanyang buhay, “because those are what molded me to be who I am today!”
“For those who are like me, never be ashamed of where you came from and your story! Continue to live your life because this is [100] percent yours! Love those who truly love you!” aniya pa.
Nag-comment naman dito si Sandy, aniya, “Tight hug @ms.lotlotdeleon (smile emoji) You are loved by many especially your dad, me & the de Leon clan (heart emoji).”
Nag-reply naman siya ni Lotlot sa asawa ng kanyang tatay na si Boyet de Leon, “@sandy_andolong I love you nay (heart emoji).”
Ito naman ang mensahe ni Boyet sa anak, “(heart and rose emoji) Daddy is just a phone call away (heart emoji).” Na sinagot ni Lotlot ng, “@sgt.pepper8 I know dad and I love you always (heart emoji).”
Samantala, sinagot din ni Ian ang post ni Lotlot tungkol sa pagiging ampon ng kapatid, “Always remember, what they say or do is a reflection of their own personalities, and that shouldn’t dictate what our state of being should be like.
“Let us not allow external influences take control or change what and who we all are, because no one knows us and our stories but ourselves,” diin niya.
Aniya pa, hinding-hindi niya iiwan sa mga laban ng buhay ang aktres, “It is only us that have control and power to what we truly should be. I love you so much te! I will stand by you in everything.”
Sa comment section ng post ni Ian, may isang Noranian ang nagsabing, “You can do something na ayusin lahat. . May edad na si AG (Ate Guy) sana THIS TIME MAGING SOLID KAYO!!! PRAYING FOR YOUR FAMILY.”
Sagot naman ng aktor, “fyi maayos naman po kaming lahat, at walang pamilya sa mundo ang walang pinagdadaanang mga gusot sa buhay.
“MAHAL NAMIN ANG ISA’t ISA, yes LAHAT kami. At hinding hindi magbabago yan kahit baliktarin mo ang mundo.
“Pinagtagpo kami ng panginoon dahil may magandang dahilan sya, hindi lng sa amin, tayong lahat.
“Pairalin na lng natin ang pang unawa at pagmamahal. Sa totoo lang po, mga chismis, at ibang tao lng talaga ang sumisira sa amin, hindi ang samahan namin sa isa’t isa.
“In God’s perfect time, everything will fall in place. Salamat sa prayers nyo!” diin pa ni Ian.
Isang source naman ang nagsabi na wala nang balak pang magsalita si Ate Guy tungkol sa issue para hindi na ito humaba at lumala.
https://bandera.inquirer.net/303012/lotlot-sa-nagsabing-napakatigas-ng-puso-niya-kay-ate-guy-wala-na-po-ba-kayo-idadagdag-sa-panghuhusga-nyo
https://bandera.inquirer.net/300478/janine-gutierrez-may-bago-na-raw-ayon-kay-lotlot-de-leon