80-anyos na lolo inaresto dahil lang sa pamimitas ng mangga; Ryza awang-awa sa matanda | Bandera

80-anyos na lolo inaresto dahil lang sa pamimitas ng mangga; Ryza awang-awa sa matanda

Ervin Santiago |January 20,2022
facebook
share this

80-anyos na lolo inaresto dahil lang sa pamimitas ng mangga; Ryza awang-awa sa matanda

Ervin Santiago - January 20, 2022 - 10:17 AM

MARAMING naawa at nakisimpatya sa ginawang pag-aresto ng mga otoridad sa 80-year-old na lolo na si Narding Floro, sa Asingan, Pangasinan.

Ryza Cenon, Lolo Narding Floro

MARAMING naawa at nakisimpatya sa ginawang pag-aresto ng mga otoridad sa 80-year-old na lolo na si Narding Floro, sa Asingan, Pangasinan.

Imagine, dahil lamang sa halos 10 kilong mangga ay hinuli at dinala sa presinto si Lolo Narding matapos akusahan ng pagnanakaw ng mga bunga ng mangga.

Bukod sa mga netizens na nakabasa ng kuwento ni Lolo Narding, may ilang mga celebrities din na nagpahayag ng kanilang saloobin sa nangyaring insidente.

Ayon sa report ng Public Information Office (PIO) ng Asingan, may isang linggo nang nasa kustodiya ng Asingan Philippine National Police ang senior citizen na inaresto sa bisa ng warrant of arrest mula sa 7th Municipal Circuit Trial Courts ng Asingan-San Manuel.

Nabatid na noong Jan. 13, 2022 isinagawa ang paghuli sa lolo at base sa salaysay nito, pinagpipitas niya ang mga bunga sa puno ng mangga dahil ang alam daw niya ay pag-aari niya ito.

Bukod daw kasi sa siya ang nagtanim nito ay nasa lupang pag-aari niya ang puno ngunit sinakop na ito ng taong nagreklamo sa kanya nang magpalagay ito ng bakod.

Lumuluhang sinabi ni Lolo Narding na handa naman daw siyang makipag-ayos sa complainant at nais na niyang makalabas ng presinto at makauwi na sa kanilang bahay.

Ngunit nagmatigas umano ang nagrereklamo at gusto raw nitong  bayaran muna ng lolo ang mga mangga sa halagang P6,000. Kailangan din ni Lolo Narding ng P6,000 para sa kanyang piyansa.

“Pinapitas ko yung isang puno ng mangga wala pang sampung kilo, ang alam ko sakop namin. Noong binakuran nila, sinakop naman na nila pero tanim ko naman yun.

“Ang gusto ko sana makipagsundo, maliit lang naman kasi na bagay, noong ibibigay ko yung bayad ayaw nilang tanggapin, ang sabi nila bayaran ko ng anim na libo,” pahayag ng lolo.

Isa nga sa mga mahabag sa kalagayan ng matanda ay ang aktres na si Ryza Cenon na nagsabing siya na lang ang magbabayad sa bail ni Lolo para  makauwi na ito sa kanilang tahanan.

Ayon kay sa kampo ni Ryza, nakikipag-ugnayan na sila sa Asingan Police para sa pansamantalang kalayaan ni Lolo Narding.

Related Chikas:

Ryza Cenon nanganak na: Napakahirap pero lahat worth it!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ryza Cenon hindi alam na buntis habang nag-aaksyon sa ‘Bella Bandida’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending