JUDAY: Ayokong magpakaplastik, lahat tayo kailangan ng pera!

SINASABI na nga ba, kahit ano ang maging desisyon ni Judy Ann Santos tungkol sa kanyang career ay may masasabi’t masasabi pa rin ang mga tao. Kahit na anong gawin niya ay may mangnenega pa rin sa tinaguriang Reyna ng Pinoy Soap Opera.

Sa pagpirma niya ng bagong kontrata sa ABS-CBN, may nagkokomento na tama lang ang ginawa niya, mas mapapanatili niya raw ang kanyang pagiging reyna sa Dos, dahil wala na naman daw doon si Claudine Barretto at puro mga prinsesa na lang ang kasama niya sa network.

Pero meron namang nagsasabi na sana raw ay lumipat muna siya sa TV5 o sa GMA at mag-bread trip muna siya, ibig sabihin kwartahan muna niya ang ibang network bago bumalik sa Dos.

Sigurado raw kasi na kayang tapatan ng mga nasabing istasyon ang offer ng ABS sa kanya. Sayang din daw ang opportunities na makatrabaho ang ilan pang malalaking artista sa industriya lalo na sa Siyete.

Pwedeng-pwede raw sana silang magtambal uli ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes na dati ring na-link sa kanya.
Pero sabi nga ni Juday sa nakaraan niyang interview, “Well, hindi naman ako magpapaka-plastic lahat naman tayo kailangan naman tayong kumita ng pera hindi ba.

Pero at the end of the day siyempre iisipin mo rin kung ano ba talaga yung mas makakabuti sa iyo and at the same time saan ka ba magiging masaya.”

Ayaw din daw kasi niyang masabihan ng manggagamit o walang kuwentang kausap, “Ang pangit naman ng magiging dating ko sa mga network producers di ba, kung lahat sila kinausap ko tapos wala naman akong tinupad na usapan.”

Kabilang nga sa mga susunod na projects ni Juday sa ABS-CBN ay ang pagiging host ng Pinoy version ng reality show sa US na Bet On Your Baby at isang teleserye.

Dagdag pa ni Juday, talagang pinag-isipan niyang mabuti ang naging desisyon niyang manatiling Kapamilya, “The last words naman that I said during the press conference di ba, ABS would always be the first option.

With regard to the talks na mangyayari if ever sa other networks andiyan naman kami para makinig but you know since I’m a Kapamilya, hindi ko naman pwedeng itanggi na first option will always be ABS.”

( Photo credit to Google )

Read more...