Benj Manalo
RAMDAM na ramdam ng mga netizens ang pagluluksa at pangungulila ng aktor at negosyante na si Benj Manalo sa pagpanaw ng kanyang inang si Anna Lyn Santos Manalo.
Maraming pinaiyak si Benj sa mensaheng ibinahagi niya sa social media para sa namatay na ina kung saan pinasalamatan niya ito sa pagmamahal sa kanilang pamilya pati na sa lahat ng mga aral ng buhay na itinuro nito sa kanya.
Sumakabilang buhay ang nanay ni Benj (estranged wife ng TV host-comedian na si Jose Manalo) nitong nagdaang Jan. 14. Wala pang inilalabas ng statement ang pamilya nina Benj tungkol sa dahilan ng pagpanaw ng ina.
Sa kanyang Instagram account, ipinost ng aktor ang kanyang litrato habang yakap ang urn ng kanyang nanay.
Aniya sa caption, “Dear mommy, Thank you for everything, thank you for all the life lessons you’ve shown us, this week was a rollercoster ride but it ended up in full restoration. Love, hope, peace, joy, sadness and family.. these are the things/knowlege that you left us and will be forever be treasured in our heart.”
Pagpapatuloy pa ng anak ni Jose, “You are a testimony to us. A testimony of God’s love to His children. We are saddened that you have to went through all of those. But we are happy that you are now in His kingdom. You may sing and dance now and enjoy eternal life with God. You will be missed by your children, your sisters and everyone who loves you.
“Thank you to all the friends and family who sent their deepest condolences to our family, we really appreciate you all. Thank you for leading this family. I love you so much mommy. We love you. Rest now mom,” sabi pa ni Benj.
Nauna rito, nagbigay din ng madamdaming mensahe ang asawa ni Benj na si Lovely Abella para sa kanyang mother-in-law, “Rest in Peace Mommy. Hindi man tayo nagkakwentuhan ng matagal, di man tayo nagkasama pero ang isang mapapangako ko ay di ko pababayaan ang Anak mo at mga kapatid ko na din.
“Ramdam ko ang sakit na nararamdaman nila kaya masakit din sakin na sobra silang nasasaktan. Wag kang mag alala hanggang sa huli di ka namin kakalimutan,” aniya pa.
Nag-post din ang Kapuso actress ng message para kay Benj, “Mahal, pinahanga mo ako, pinahanga mo ako kung gaano kabuti ang Puso mo.
“Salamat Lord at pinaliwanagan mo ang isip ng Asawa ko, mas nakita mo ang dahilan kung bakit Tough Love sayo Si Mommy, nakita mo na ang resulta ng lahat na ikinakaganda ng buhay mo ngayon,” sabi pa ni Lovely sabay paalam sa nanay ng asawa, “Forever ka naming mami miss.”
Sa Facebook ibinahagi ng pamilya Manalo ang tungkol sa pagpanaw ng nakahiwalay na asawa ni Jose, “Our beloved Anna Lyn S. Manalo moved on from this world earlier today, January 14, 2022. With sadness in our hearts, we find solace in knowing that she is in a better place.
“She is survived by her five children, Sherwin Nicco, Don Benjamin, Myki, Ai, and Colyn. We plan to host an intimate and dignified memorial service once everything has been arranged. For the meantime, your prayers will be very much appreciated.”
https://bandera.inquirer.net/295347/lovely-benj-nagpa-bless-na-ng-dream-house-nagpaagaw-pa-ng-pera-sa-kamag-anak
https://bandera.inquirer.net/286041/benj-tinawang-na-best-partner-si-lovely-7-years-na-tayo-pero-sobrang-in-love-pa-rin-ako-sa-yo
https://bandera.inquirer.net/303064/nakahiwalay-na-asawa-ni-jose-pumanaw-na-you-have-always-been-the-wind-beneath-my-wings