Jodi Sta. Maria, Zanjoe Marudo at Zaijian Jaranilla
FEELING lucky and blessed ang Kapamilya leading man na si Zanjoe Marudo dahil nakatambal niya sa isang bonggang teleserye si Jodi Sta. Maria.
Abot-langit ang pasasalamat ng aktor sa ABS-CBN dahil siya ang napiling gumanap bilang David Ilustre sa bagong drama series na “The Broken Marriage Vow”.
Siya ang gaganap na manlolokong asawa ni Jodi Sta. Maria sa Pinoy version ng hit British series na “Doctor Foster” na ginawan din ng remake sa South Korea, ang “World Of The Married.”
“Napakasuwerte ko na si Jodi yung kasama ko dito sa The Broken Marriage Vow at siya yung gumanap na asawa ko dito dahil nagtulungan kami.
“Tinulungan niya ako nang sobra-sobra sa paggawa namin ng mga scenes. Naging komportable ako sa kanya dahil ipinaramdam niya sa akin na maging kumportable ako sa kahit anong eksena na gagawin namin.
“Kasi bilang mag-asawa, first time naman namin na magsasama sa isang series talaga na kami yung mag-partner. Hindi ako ganu’ng nahirapan dahil yung collaboration namin sa pamilya, ako, si Zaijian (Jaranilla), at si Jodi, naging madali na sa amin yung pagbuo dahil nagtutulungan kami,” ang dire-diretsong pahayag ni Zanjoe sa virtual presscon ng kanilang primetime series.
Para sa Kapamilya actor, bukod sa mga solid na drama moments at sa mga love scenes niya with Jodi at sa isa pa niyang leading lady na si Sue Ramirez, isa pa sa mga dapat abangan ng manonood ay ang “bugbugan” scene nila ni Jodi.
“Isa yun sa pinakamahirap na eksenang ginawa namin and buti na lang ginawa namin yun hindi pa maaga, bandang padulo na namin siya ginawa na talagang pasok na pasok na kami sa mga characters namin dahil ang tagal nga naming nag-stay sa Baguio.
“Almost two months kami du’n. Nu’ng ginawa namin ni Jodi yung scene na yun, nanginginig ako habang inaalala ko ngayon. Kasi sa sobrang intense, may emotion kang nabubuksan sa sarili mo na hindi mo naman akalain or hindi mo naman naisip na mae-experience, na mararamdaman mo yung emosyon na yun sa totoong buhay.
“Kaya mahirap kasi hindi ko naman ito mararamdaman sa totoong buhay pero dahil sa trabahong ito nabubuksan yung ganu’ng emotions,” kuwento ng binata.
Dugtong pa ni Zanjoe, “After nu’ng scene na yun, parang gabi namin siya ginawa. Kinabukasan, nandu’n pa rin ako. Tapos si Jodi nandu’n pa rin tapos nanginginig pa rin ako.
“Medyo traumatic yung nangyari. Okay naman. Safe naman kaming lahat. Sobrang happy namin du’n sa scene na ginawa namin. Kami kami na lang nagtutulungan kami.
“Kapag may anxiety or nade-depress kami kasi mabibigat na yung mga scenes eh, nadadala namin hanggang pag-uwi ng hotel hindi maiwasan yun. Yun lang yung puwede kong mai-share siguro. Na hindi siya ganu’n kadali personally. Buti na lang nagtulungan kami ni Jodi,” paliwanag pa niya.
Dagdag pang chika ni Zanjoe, “Wala kaming venue para magpagpag or para dumetach du’n sa eksena kasi naka-lock-in kami.
“Pag-uwi namin kami kami pa rin magkakasama. Pagbalik namin sa eksena sila sila pa rin yung makikita ko. Hindi naman katulad before na umuuwi kami ng bahay or may ibang project kaming gagawin.
“So kailangan mo lang talaga makipag-usap sa mga kasamahan mo like sa mga co-actors mo at sa mga staff at sabihin mo talaga yung nararamdaman mo nung time na yun para mailabas mo lang.
“Kasi mahirap pag tinago mo lang at hindi mo sini-share sa mga kasama mo. So ganu’n kami, shini-share namin sa isa’t isa yung mga pinagdadaanan namin nu’ng araw na yun. And ayoko rin naman bumitaw.
“Kahit sabihin mong mabigat siya sa dibdib at sa utak ayaw ko na rin bumitaw kasi yun na rin naman ang ginagawa namin araw araw. So tatapusin ko na ‘tong lock-in na ‘to na bitbit ko na siya. After nu’n, pag-uwi ko na lang saka na ako bibitaw at magde-detach,” aniya pa.
Sey pa niya, “Thankful naman kami na every break time, si doktora Jodi ay may pa-acupuncture sa tenga namin so natatanggal yung mga stress namin, yung anxiety, yung anger, lahat natatanggal.
“Parang nare-relax kami. Sobrang galing nu’ng ginawa ni Jodi na dinala niya yung mga needles niya para every break time lagi kaming nare-relax,” ani Zanjoe.
Magsisimula na sa Jan. 24 ang “The Broken Marriage” sa mga digital platforms ng ABS-CBN kung saan kasama rin sina Sue Ramirez, Jane Oineza, Angeli Bayani, Bianca Manalo, Ketchup Eusebio, Rachel Alejandro, Art Acuña, Empress Schuck, Joem Bascon, Brent Manalo, Malou Crisologo, Franco Laurel, Sandino Martin, Lao Rodriguez, Jet Gaitan, Jie-Ann Armero, Migs Almendras, Avery Clyde, and JB Agustin, with Susan Africa at Ronnie Lazaro.
Ito’y sa direksyon nina Concepcion Macatuno at Andoy Ranay.
https://bandera.inquirer.net/293703/zanjoe-15-years-na-sa-showbiz-ang-tagal-na-pala-mahal-na-mahal-ko-yung-ginagawa-ko
https://bandera.inquirer.net/302703/zanjoe-sa-mga-cheater-itutuloy-mo-ba-o-iisipin-mo-yung-mga-taong-masasaktan-at-matatapakan-mo