Dimples na-shock sa ginawa ng anak nang mag-face the wall: Imbis na magalit, magdabog…nagdasal siya

Dimples Romana at Alonzo Ahmee

IKINAGULAT ng Kapamilya actress at negosyante na si Dimples Romana ang ginawa ng kanyang anak na si Alonzo nang disiplinahin niya ito kamakailan.

Ikinuwento ni Dimples sa madlang pipol ang nangyari matapos niyang sabihan ng “face the wall” ang anak na mukhang nakagawa nga ng sablay sa kanilang bahay.

Sa pamamagitan ng Instagram, ipinost ng aktres ang isang video kung saan makikita si Alonzo na nakatalikod sa kanya at nakaharap sa dingding.

Sabi ni Dimples sa caption, “When you ask your child to stand in the corner as a form of disciplinary action.

“Tapos nakita mo imbis na magalit, magdabog, magkutkot ng paint sa wall (Gaya ko) NAGDADASAL siya #AlonzoRomeoJose anak naman eh,” ang sabi pa ng celebrity mom na super touched sa ginawa ng anak.

Tinanong daw niya si Alonzo kung ang ang ipinagdasal nito, na sinagot naman ng bagets ng, “I asked God if I am a BAD PERSON and if he was disappointed in me mom because I did bad things.”


Sinabihan naman ni Dimples ang bata na hindi siya bad person, “Jusko, hindi naman talaga bad. Pero dito kasi sa amin, bata pa lang we stress out certain moral values na and really implement them by heart.”

Aniya pa, “So I asked him, did GOD answer you anak? Oo daw. Sabi ko, ‘Ano Sabi ?’ (Legit yung takot ko, kasi Baka sabihin nya, Sabi ni Lord mom lagot kayo ni daddy).

“Sabi daw ni Lord sa kanya, ‘NO Alonzo, you are NOT A BAD PERSON, you just made a mistake and if you ask for forgiveness you will be forgiven. Because everyone sins everyday,’” ang nakalagay pa sa caption ni Dimples.

Sa huling bahagi ng kanyang post, pinuri naman ng aktres si Alonzo sa pagiging mabuti at masunuring anak. Nagpasalamat din siya sa asawang si ni Boyet Ahmee bilang responsable at mapagmahal na tatay.

“I mean SMART boy aaaand I love that Alonzo feels very comfortable speaking to GOD not only when he is happy but most especially when he feels sad. Apir @papaboyetonline good job tayo, Pero mas good job ka mahal,” aniya pa.

Si Alonzo ay bunsong anak nina Dimples at Boyet. Ang panganay nilang si Callie ay dalaga na rin at may sarili nang negosyo.

Dimples Romana 24 years na sa showbiz; may promise sa mga batang artista

Yassi ipinatatayo na ang dream house; Dimples ibinandera ang kaseksihan

Read more...