DAWN, GERALD parang totoong mag-ina, maraming pinaiiyak na magulang


SA ilang weeks naming panonood ng Bukas Na Lang Kita Mamahalin sa ABS-CBN ay marami talagang pinabibilib si Dawn Zulueta in terms of acting.

Kaya naman halos lahat ng mga magulang na tumututok sa serye nila ni Gerald Alderson ay naiiyak dahil sa kuwento na hindi malayong mangyari sa mga anak nila.

Kaya ang ending, may kakilala kaming nanay na taga-showbiz na parating pinaaalalahanan ang mga anak dahil nga sa mga kasalukuyang nangyayari ngayon sa paligid tulad ng pagpatay sa isang advertising executive kamakailan lang.

Hindi na namin babanggitin kung sino ang nanay na ito pero kilala siya sa pagiging bungangera pagdating sa mga anak na in fairness ay matitino at magagalang naman kesehodang mga spoiled dahil lahat ng gusto ay nakukuha sa magulang.

Going back to Dawn ay maraming nagtatanong na mga TFC subscribers kung tuloy pa ang pelikula nila ni Richard Gomez? Kailan daw mag-uumpisa ang shooting? Sabi nila, sana raw ay hindi drawing ang nasabing project.

Aalamin po namin ito sa Star Cinema, samantala, patuloy pa ring inaabangan ang Bukas Na Lang Kita Mamahalin dahil nanggigil ang vierwers malaman kung sino ba talaga ang gumahasa kay Diana Zubiri bilang Carla Melendez.

( Photo credit to Google )

Read more...