Korina Sanchez
MGA bayarang trolls sa social media — handa na ba kayo?!
Ibinandera na kasi ng veteran broadcast journalist na si Korina Sanchez ang gagawin niyang krusada para makulong ang lahat ng mga kumikita ng pera kapalit ng pamba-bash at pambu-bully sa kanilang kapwa.
Pero sabi ni Korina, sisiguruhin niyang mapapahiya muna ang mga mahuhuming trolls na nagkalat sa socmed at internet bago sampahan ng kaukulang mga kaso.
Mukhang desidido na ang news anchor at TV host sa kanyang bagong adbokasiya na tapusin na ang maliligayang araw ng mga taong walang ginawa kundi ang mambastos at mam-bully sa socmed.
Sa kanyang Instagram page, nag-post si Korina kagabi, Jan. 17, ng pagbabanta laban sa mga trolls kasabay ng pangakong tutulungan din niya ang mga biktima ng matinding pamba-bash sa social media.
Isa si Korina sa mga kilalang celebrities na palaging pinupuntirya ng mga haters at karamihan daw sa mga ito ay kumikita nang malaking halaga kapalit ng gagawin nilang paninira sa kanilang mga target.
Isang artcard na may litrato ng isang tila mukha ng lalaking dilat na dilat at nakanganga ang ibinahagi ng TV host sa IG na may caption na, “ARE YOU ALSO A VICTIM OF TROLLS? When I googled ‘memes of trolls’ this image came out. Parang akma?
“You know: yung pina-project ka para i-harrass—kase, well, bayad sila.
“Their parents must be very proud of them na ang income nila is to inflict lies and misery on other innocent people.
“Poor parents who put them through school. And these kids get hired by crooks who are just… EVIL, I guess,” simulang pagbabahagi ni Korina sa kanyang followers.
Aniya pa, “Trolls are usually hired and orchestrated by people who dont have the guts to just confront you and tell you what they think, to your face.
“Or malaki ang kontrata para manira. Or baka kasi super inggit lang. Or bored sila and unhappy. Or obssessed with a person or an idea,” sabi pa niya sa caption.
Paglalarawan pa niya sa mga trolls, “Pathetic, really. Imbes na ayusin nalang nila ang sarili nilang buhay. Ang ganda pa naman ng buhay sana. I guess hanggang doon nalang sila? I hope not.
“I still believe in the good in people. But Ive lived long enough to know some people are just… INSANE,” dagdag pang pahayag ng veteran broadcast journalist.
At nangako nga si Korina na gagawa siya ng paraan para makulong ang trolls, pero aniya dapat munang ipahiya ang mga ito bago kasuhan.
“If you’re a victim of online harrassment by paid trolls email me on korina_abs@yahoo.com and I will give you the tips how to put them in their place.
“There are administrative and legal remedies for this. Ipakulong natin sila.
“Hiyain muna natin nang todo bago pakulong. Im in touch with the Senate about this currently. Im on your side, being a victim myself. There’s a way.
“You can start by blocking all those who dont follow you and those who have just followed you. Anyway, lets chat in private.
“I can also advise you about the legal parameters. Let the devils stay in hell, right? Let’s put them back there. #TulunganTayo. #DeathToTrolls God’s on our side on this one,” matapang na sabi pa ni Korina.
Kamakailan lang ay nakatikim uli ang news anchor ng pamba-bash dahil sa naging post niya kung bakit hindi pa siya nahahawa ng COVID-19.
https://bandera.inquirer.net/302596/swimsuit-photo-ni-korina-na-may-caption-tungkol-sa-covid-binatikos-wala-sa-lugar-sobrang-off
https://bandera.inquirer.net/303016/hamon-ni-korina-sa-bashers-nasaan-na-ang-mga-troll-na-bayaran-napagod-na-ba-kayo