Alodia, Wil magkaiba ang sagot sa hugot ng architect na nag-design sa kanilang ‘dream house’

Wil Dasovich at Alodia Gosiengfiao

MULING pinagpiyestahan ng fans at mga netizens ang pagsagot ng ex-couple na sina Alodia Gosiengfiao at Wil Dasovich tungkol sa pagpapatayo sana ng kanilang dream house.

Pagkatapos ngang mag-viral ang kani-kanilang hugot na may konek sa natapos nilang relasyon ay humirit din ang architect na nagdisensyo sa ipatatayo sanang bahay ng dating magdyowa.

Nag-post ng sarili niyang meme at hugot quote ang Pinoy architect na si Oliver Austria sa Facebook last Sunday, Jan. 16, na pinusuan at ni-like ng netizens.

Makikita sa Facebook ni Oliver ang litrato ng dinisenyo niyang bahay nina Wil at Alodia na hindi na nga natuloy matapos maghiwalay ang mga ito.

“Hi, Ako nga pala sinayang niyo,” ang caption ni Oliver sa kanyang post.

Sumagot at sinakyan naman agad ni Wil ang post ni Oliver tungkol sa nasayang na home design nito. Aniya, “Ok lang yan pre gawa tayo bago ulit.”

Kasunod nito, nag-comment din si Alodia ng teary-eyed at praying hands emoji sa FB post ng nasabing arkitekto.

Hindi rin nagpatalbog ang kapatid ni Alodia na si Ashley Gosiengfiao at talagang napakomento rin sa hugot post ni Oliver. “Tag…ina sayang nga,” sabi ni Ashley.

Kung matatandaan, nakipag-collab  pa sina Wil at Alodia kay Oliver sa Baguio para sa magiging design ng kanilang dream house at in-upload ito noong October, 2021 sa vlog ni Wil.

Ngunit noon ngang Nov. 14, 2021 ay ibinalita ni Alodia na break na sila ni Wil matapos ang ilang taong relasyon.

Samantala, sa gitna ng sandamakmak na reactions ng mga netizens sa napakarami nang memes nina Alodia, Wil at Oliver ay nag-post muli ang cosplayer sa kanyang socmed account ng mensaheng, “Tag pa more.”


Nauna rito, ipinaliwanag na rin ni Alodia na isang simpleng meme lang ang ipinost niya sa isa niyang Instagram photo na caption ngang, “Hi, ako nga pala yung sinayang mo.”

Paliwanag ni Alodia, “Hi as a friend!

“Thank you guys for the support but yesterday’s post was based on a meme quote I saw somewhere on the intarweb but a few people took it seriously so sorry for the confusion!

“I’ve been posting memes daily for a while now because I like sharing funny things.

“Even have a page dedicated to it which has been up for almost a decade.”

https://bandera.inquirer.net/303113/alodia-nilinaw-ang-ako-nga-pala-ang-sinayang-mo-viral-post-so-sorry-for-the-confusion

https://bandera.inquirer.net/302955/wil-dasovich-may-sagot-kay-alodia-ako-nga-pala-yung-sinaing-mo

Read more...