Filipino designers, kultura ng mga Igorot bibida rin sa ‘The Broken Marriage Vow’ nina Jodi at Zanjoe

Sue Ramirez, Zanjoe Marudo at Jodi Sta. Maria

NAPANOOD na namin ang isang linggong episode ng “The Broken Marriage Vow” sa ginanap na press screening kahapon na sinundan naman ng global media conference.

Bukod sa galing ng mga artistang nagsiganap ay agaw pansin din ang production design ng serye, kabilang na ang bahay nina Dra. Jill Ilustre na ginagampanan ni Jodi Sta. Maria, lalo na ang kanilang fireplace.

Idagdag pa ang mga damit na suot nina Jodi, Rachel Alejandro at iba pang members ng cast.

Sina Concepcion “Connie” Macatuno at Andoy Ranay ang direktor ng “TBMV” na kinunan pa sa Baguio City dahil gusto ng una ay magkaroon ito ng Fiipino flavor at para ma-promote rin ang Philippine fashion, ang artworks at kultura ng mga Igorot.

Bukod sa pagiging direktor at producer ay nagpipinta rin si direk Connie at nakabili na kami ng mga damit na hand painted niya at kakaiba talaga as in walang katulad. Masyado siyang fascinated sa mga damit ng mga kababayan nating Igorot.

Tanda namin ay sa Sagada rin kinunan ang pelikulang “Glorious” na ipinalabas noong 2018 at ipinakita rin ang mga damit na isinuot ni Angel Aquino at ang kultura ng mga tagaroon.

Ganito rin ang mga isinuot na damit ni Lovi Poe sa pelikulang “Malaya” na kinunan naman sa Puglia, Italy pero may touch pa rin ng mga Filipino designer ang ilang suot ng aktres bago niya na-adopt ang mga usong damit sa bansang pinuntahan niya.

Sa ginanap na global mediacon ay inamin ni direk Connie na gusto niyang i-promote talaga ang Filipino designers sa buong mundo, lalo’t ipalalabas ito sa ibang bansa sa pakikipag-parntership ng Viu sa ABS-CBN.

“Mundo ko rin kasi talaga ‘yun promoting Filipino weaves, nu’ng in-offer sa akin ‘yung project sinabi sa akin ni sir Deo (Endrinal, Dreamscape unit head), ‘why don’t you prepare your clothes into it’ kasi I hand paint clothes use local weaves.

“Naisip ko this project is huge hindi lang ‘to puwedeng damit ko lang, hindi puwedeng mga creations ko, so, nagbakasakali ako na I approached 18 other designers, Filipino designers na gumagawa ng original work.

“I choose designers na mayroon din silang ka-collaborate na communities kung baga designers na nag-upcycle or designers na nagre-recreate ng ibang elements.

“Ang naging dream ko (or) aspiration ko was to promote us na puwede tayong maka-create ng mga world class (like) accessories na puwede nating ipagmayabang sa ibang bansa and for the other countries and also for our countrymen na makita nila na nage-exist ‘yan.

“Kasi itong mga designs na ito makikita mo lang lagi sa mga editorial sa mga magazines but this is the first time na nag-unite kaming lahat na makikita n’yo sila on TV na hindi pa nangyari ito I think kaya parang excited silang lahat.

“And I think it’s high time because of what happened during the pandemic na parang nagbukas din ‘yung mundo natin to what goes around us and this is the perfect timing for the project and so when I approach them (designers) ay hindi sila nagdalawang isip,” kuwento ng direktora.

Ang mga damit ay pina-ship pa-Manila na galing Iloilo at Davao.  Bukod sa mga damit ay maganda rin ang mga location na ginamit at ipinakita ang mga pagkaing Pinoy.

Sabi rin ng creative head ng Dreamscape Entertainment na si Rondell Lindayag ay napa-wow ang mga executive ng BBC Studios nang mapanood nila ang trailer ng “The Broken Marriage Vow” at talagang tuwang-tuwa raw ang mga taga-London sa napanood nila.

Mapapanood na ang “The Broken Marriage Vow” sa Jan. 22 sa iWantTFC at sa Jan. 24 naman sa Kapamilya Channel, TV5 A2Z, Kapamilya Online at ABS CBN Entertainment Youtube channel.

https://bandera.inquirer.net/295377/zanjoe-habang-nagte-taping-ng-serye-para-kayong-namboboso-ganun-yung-naramdaman-ko

https://bandera.inquirer.net/286314/andi-ibinenta-ang-mga-paboritong-damit-para-sa-health-center-at-daycare-ng-siargao

Read more...