Gretchen Fullido, Alvin Elchico, Bernadette Sembrano at Karen Davila
IBINANDERA ng veteran broadcast journalist at TV host na si Karen Davila na ang lahat ng news anchor ng “TV Patrol” ay matatawag na ring COVID survivors.
Nitong nagdaang Biyernes, Jan. 14, ay nagbalik na sa live broadcast ng nasabing Kapamilya news program si Karen matapos ang ilang araw na pagpapagaling mula sa nakamamatay na virus.
Hindi nakapag-broadcast sa studio ng “TV Patrol” si Karen dahil nagpositibo nga siya sa COVID-19 pati na ang buo niyang pamilya kaya naman kinailangan nilang mag-quarantine nang dalawang linggo.
Sa Instagram, nag-post ang Kapamilya news anchor nitong nakaraang Sabado, Jan. 15, ng litrato niya kasama ang iba pang tagapagbalita ng ABS-CBN at sinabing tinamaan silang lahat ng COVID-19 ngunit napagtagumpayan nga nila ang laban kontra virus.
Nasa litratong ibinahagi niya sa publiko sina Alvin Elchico, Bernadette Sembrano at Gretchen Fullido.
Ang caption na inilagay ni Karen sa kanyang IG post, “And just like that… my first day back to work in the studio! WE ARE BACK on #TVPatrol.
“Did you know we are all COVID19 survivors? Bernadette caught the virus first—early on last year, Gretch & I together over the holidays and Alvin early this year.
“There is not one family I know who has been spared from COVID but thank God most of the symptoms are mild,” pahayag pa niya.
Kasunod nito, muli rin siyang nanawagan sa madlang pipol na magpabakuna na para magkaroon na rin sila ng proteksyon laban sa virus at para na rin sa kaligtasan ng kanilang mga kapamilya.
Paalala ni Karen, “We are starting the year grateful for the gift of LIFE. Thank you Lord Jesus and our loving Father in Heaven for being the hope in our lives! Love you Jesus.
“If there is one thing COVID has taught all of us, is not to take anyone and any day for granted (praying hands emoji).
“Get yourself vaccinated and boostered already! Do it out for love for yourself & your family!” aniya pa gamit ang mga hashtag #starttheyearstrong, #2022hope, #vaccineswork at #ilovemywork.
Ibinalita ni Karen ang tungkol sa pagkakaroon niya ng COVID-19 pati na ng kanyang pamilya noong Jan. 7. Buti na lang daw at bakunado na sila kaya mild lamangang kanilang mga sintomas at mabilis ding gumaling.
https://bandera.inquirer.net/285889/karen-na-depress-napapaiyak-dahil-sa-pagkapaos-i-wanted-to-quit-i-was-so-scared-to-go-to-work
https://bandera.inquirer.net/283241/bernadette-sembrano-may-mga-paalala-bilang-covid-survivor