Paolo Gumabao, Vince Rillon mas nadaliang makipaghalikan sa kapwa lalaki kesa sa babae, anyare? | Bandera

Paolo Gumabao, Vince Rillon mas nadaliang makipaghalikan sa kapwa lalaki kesa sa babae, anyare?

Ervin Santiago |January 16,2022
facebook
share this

Paolo Gumabao, Vince Rillon mas nadaliang makipaghalikan sa kapwa lalaki kesa sa babae, anyare?

Ervin Santiago - January 16, 2022 - 05:08 PM

Vince Rillon at Paolo Gumabao

PARA sa hunk at sexy actor na si Paolo Gumabao, pareho lang ang “feeling” at “lasa” ng pakikipaghalikan sa babae at sa lalaki.

Walang arte-arteng inamin ni Paolo at ng ka-partner niyang si Vince Rillon sa pelikulang “Sisid” na hindi  sila nahirapan sa kanilang mga love scene — in fact, mas madali nga raw makipaghalikan sa kapwa lalaki.

Pahayag ni Paolo sa nakaraang virtual mediacon ng latest Vivamax original movie na “Sisid”, kering-keri niya ang laplapan scene nila ni Vince. Mas nahihirapan pa nga raw siyang makipaghalikan sa babae sa movie.

“For me, mas kumportable ako at mas nadadalian ako kapag ang ka-kissing scene ko ay lalaki, kasi you don’t have to be that delicate. You can tell them na, ‘Oy, bro, okey lang ba na gawin ko ito?’

“Mas challenging sa babae because you have to be more careful. Siyempre, sila ay babae and we want to do our best to respect them, so mas madali para sa akin ang kissing scene sa lalaki. Mas carefree siya,” pahayag ni Paolo.

At para sa kapatid ni Marco Gumabao, walang ipinagkaiba ang pakikipaghalikan sa lalaki at babae pagdating sa paggawa ng love scene sa pelikula.

“Hindi na namin pinaplano o pinaghahandaan kung paano mag-kissing scene.

“Ang kissing scene sa lalaki at kissing scene sa babae, parehas lang ‘yan. There’s no such thing as this is how to kiss a guy. This is how to kiss a girl. It just feels the same,” diin pa ng aktor.

Sa tanong kung muli bang matutuwa ang mg beki sa mga pasabog na eksena niya sa “Sisid” tulad ng ginawa niyang frontal nudity sa pelikulang “Lockdown”, hindi ito diretsahang sinagot ni Paolo.

“In Lockdown, I went all out, full frontal. Dito naman sa Sisid, panoorin na lang nating lahat. We’ll see, surprise na lang,” sagot ng binata.

Para naman kay Vince, mas na-challenge pa nga raw siya sa mga diving scenes niya sa “Sisid” kesa sa love scene nila ni Paolo.

“Mas nahirapan ako sa diving scenes. Sa mga kissing scene, hindi naman po ako nahirapan kasi alam kong tunay na lalaki si Paolo. Alam ko yung limitasyon namin bilang totoong Vince.

“Hindi po talaga ako diver so nakakuha ako ng aral na alam kong magagamit ko sa mga susunod,” aniya pa.

Samantala, makakasama rin sa “Sisid” sina Christine Bermas at Kylie Versoza mula sa direksyon ng award-winning filmmaker na si Brillante Mendoza. Mapapanood na ito sa Vivamax Exclusive sa Jan. 18, 2022, Jan. 19 sa Vivamax Plus at ang regular streaming naman nito sa Vivamax ay sa March 18.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

View this post on Instagram

A post shared by Paolo Gumabao (@paologumabao)

Paolo Gumabao walang takot na ibinuyangyang ang pagkalalaki; pang-best actor sa ‘Lockdown’

Kylie Versoza naniniwalang hindi lang tungkol sa sex ang ‘Sisid’: It’s not just a sexy films maganda ‘yung kuwento

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending