LJ Reyes, Aki at Summer
LAGI ka bang feeling insecure? Napapadalas ba ang pagkawala ng iyong self-confidence kaya parang lahat na lang ng ginagawa mo ay tila walang kuwenta at palaging sablay?
Kung “yes” ang sagot n’yo, siguradong hindi naman kayo nag-iisa dahil napakaraming dumaranas ngayon ng paghihirap lalo pa’t halos dalawang taon na rin tayong nakikipaglaban sa pandemya.
Kaya naman malaking tulong sa mga kababayan nating nawawalan na ng pag-asa at patuloy na nagdududa sa sariling kakayahan, ang mga celebrities na nagbibigay ng inspirasyon at patunay na habang may buhay ay may pag-asa.
Kabilang na nga riyan ang Kapuso actress na si LJ Reyes na isang buhay na patunay na hindi katapusan ng mundo ang paghihiwalay nila ni Paolo Contis at kahit single parent siya ngayon ay kering-keri niyang buhayin ang mga anak.
Sa pamamagitan ng kanyang Insragram account, nag-post ang award-winning actress ng inspiring message para sa mga taong nagse-self-doubt at feeling insecure.
Ayon kay LJ, “You are enough.
“Yes! To all of you reading this, I want to remind you that YOU are ENOUGH.
“Why? Because YOU are God’s best creation. You were created from His image. You are His masterpiece!
“I couldn’t get this image out of my head, of this area in Central Park that just really had me in awe of God’s creation!
“God created a beautiful world — a world that is an expression of His love for us.
“So if sceneries such as this take our breath away, how much more should you feel confident that YOU.. are.. beautiful! YOU.. are.. ENOUGH!
“Stay WONDERful!” ang buong mensahe ni LJ sa kanyang mga followers at tagasuporta.
Nasa New York pa rin ang Kapuso star kasama ang mga anak na sina Aki at Summer. Nagdesisyon ang single mom na sa Amerika muna manirahan pagkatapos ng break-up nila ni Paolo noong September, 2021.
Kamakailan, nag-celebrate naman ng kanyang 3rd birthday ang anak nila ni Paolo na si Summer at ibinahagi nga ni LJ sa Instagram ang ilang kaganapan sa kanilang celebration.
“I want to say, ‘I can’t believe you’re 3!’ but it has always felt like you’re much older than you actually are.
“You are a Godsent angel who never fails to brighten up our day with your nonstop talking, singing, and dancing, too.
“Thank you for bringing so much joy into my life. I am so grateful to be your mother.
“Continue making pa-cute to mommy kasi kilig na kilig ako. I love you so much, my love Summer. Happiest birthday!” ang caption ng aktres sa kanyang IG post para kay Summer.
https://bandera.inquirer.net/296909/paolo-contis-balak-bisitahin-si-summer-deadma-sa-interview-ni-ljhttps://bandera.inquirer.net/292365/hindi-ko-inakalang-masasaktan-ako-at-ang-mga-bata-nang-ganun
https://bandera.inquirer.net/296665/balikang-lj-reyes-paulo-avelino-posible-pa-kaya