Bakit nagulat at napa-wow si Dingdong nang makatrabaho si Beauty sa ‘AlterNate’?

Dingdong Dantes at Beauty Gonzalez

GRABE ang mga papuring binitiwan ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes para sa bago niyang leading lady na si Beauty Gonzalez.

In fairness, palaging hot topic sa social media ang bawat episode ng pinagbibidahan nilang mini-series sa GMA 7 na “I Can See You: AlterNate” kaya naman todo pasalamat ang buong production sa suporta ng manonood.

Marami ang nagkokomento na matindi rin pala ang chemistry om screen nina Beauty at Dong, hindi raw nagkamali ang Kapuso network na pagtambalin ang dalawa sa “AlterNate.” 

At agree kami sa mga sinabi ni Dingdong patungkol kay Beauty noong nakaraang online mediacon ng kanilang primetime series — na perfect na perfect ang aktres sa kanyang karakter.

“It’s such a beautiful experience working with Beauty. Kasi, talagang I respect her artistry. I think, she’s a brilliant artist. Hindi lang sa larangan ng pag-arte kung hindi sa napakaraming iba pang bagay.

“Oftentimes, we talked about her deep involvement sa arts. Marami rin akong natutunan sa kanya sa mga bagay na ‘yan.

“But I think, more importantly, nakita ko yung kanyang commitment sa kanyang craft. That’s why I admire very much her professionalism,” ang paglalarawan ni Dingdong kay Beauty.

Patuloy pa niya, “Sa Zoom pa lang, parang noong binabato niya ang mga dialogues niya, ‘Eto na, si Sheila (Beauty) na ‘to, si Sheila na ‘to.’ Ako, medyo binabasa-basa pa lang.

“Pero wow, du’n pa lang talaga, e, very much invested na siya and much more noong nagsama na kami. Minsan nga, nahuhuli ko yung sarili ko na nagugulat sa mga ibinibigay niyang mga nuances na iba-iba.

“Siyempre, iba-iba yung ibibigay niya kay Nate, iba rin yung ibibigay niya kay Michael,” sey pa ng Kapuso actor at TV host. Sina Nate at Michael ay ang kambal niyang karakter sa kuwento.

“And I guess, du’n papasok talaga yung teamwork na palagi kong sinasabi. Parang sayaw rin ‘yan. Hindi mabubuo ang isang eksena, hindi maisasabuhay ang isang character kung walang eksena.


“Kumbaga, sabi nga, acting is reacting. And I’m very lucky na nagawa ko itong dalawang napakahirap na roles na ito sa harap ng isang napakagaling na actress,” paliwanag pa ni Dong.
Halos ganito rin ang naging pahayag ng kanilang direktor na si Dominic Zapata kaya naman parang hiyang-hiya na si Beauty.

“Nagulat ako du’n, ah! Thank you, thank you so much for the wonderful words Mr. D and Mr. Dominic Zapata, kay Direk Dom, thank you so much.

“I’m so happy. I feel so lucky. I mean, I don’t get one Mr. Dingdong but I got two. So, I’m very happy.

“Double the trouble, double the fun. Double the excitement. And of course, I’m so lucky that I get to work with Mr. Dingdong Dantes.

“He’s very easy to work with, very professional, very maalaga, and very magaling. Intuitive siya. And, of course, kasama na rin ang ibang cast, sina Direk Ricky Davao.

“I’m so happy because binigyan ako ng chance ng GMA na gawin ‘to. And I get to show different side of me doing different characters.

“I’m just very excited and I can’t wait for people to see this show. Kasi, kakaiba, may drama, may romantic, may action, may suspense. What more can you ask for?” pahayag pa ni Beauty.
https://bandera.inquirer.net/302135/dingdong-umaming-masokista-gusto-kong-natsa-challenge-at-nahihirapan-lagi-sa-ginagawa-ko

https://bandera.inquirer.net/302290/mystery-actor-ginamit-na-ka-alternate-ni-dingdong-sa-i-can-see-you-napakahusay-and-i-respect-him-so-much

Read more...