4 na kilalang celebrity nakaranas ng matinding sintomas nang magpositibo sa COVID

‘YUNG ibang artista ay panay ang post na positibo sila COVID-19 at sumasailalim sa quarantine at ang iba naman ay nagsasabing pagaling na sila.

Pero may iba namang mas gustong tahimik lang at hindi na nila ito ipinagmamakaingay pa sa publiko sa pamamagitan ng pagpo-post sa social media.

Kaya namin ito nakuwento ay dahil apat sa mga artistang gustong kunin ng isang movie producer para sa isang malaking project ang tumanggi na ang dahilan ay gusto nilang magpahinga muna since kagagaling lang nila sa lock-in shoot.

Pero ipinilit ng producer na sila ang dapat bumida sa movie dahil para sa kanila talaga ang nasabing proyekto.

Hayun, kaya naman pala ayaw nang apat ay dahil sabay-sabay silang nagpositibo sa nakamamatay na virus. Hindi naman magkakasama ang apat sa lock-in shoot na pinanggalingan din ng isang aktor na nag-positive.

‘Yung isang aktres ay hindi niya alam kung saan niya nakuha, baka raw nu’ng nag-grocery siya at ‘yung dalawang aktor ay baka raw sa lock-in taping nila para sa isang sitcom.

Medyo matindi ang lagay nilang apat dahil nilagnat nang mataas, nawalan ng panlasa at nanakit ang buong katawan.

Kung hindi siguro nawalan ng panlasa, posibleng trangkaso lang kasi uso naman talaga ito ngayon.  Ang magandang balita habang sinusulat namin ito ay wala na silang mga lagnat, pero wala pa rin daw panlasa.

Nang makarating ito sa producer ay sad face ang sagot sa taong kausap niya.

Pero wala namang sinabi ang producer na kumuha ng ibang artista kaya sa madaling salita, willing to wait ito na gumaling ang apat na celebrities.

* * *

Humanda nang mag binge-watch, dahil ang Vivamax, ang number one Pinoy streaming platform ay magri-release na ng dalawang originals linggo-linggo.

Simula nang i-launch ito noong Jan. 29, 2021 ay nakapag-produce na ang Vivamax ng 35 original films at mga series. Mula sa unang release nito na “Pornstar” ni Darryl Yap, sunod-sunod na ang mga pelikulang may iba’t ibang genre ang naipalabas dito, kagaya ng “Death of a Girlfriend,” “Revirginized,” The Housemaid, “Mahjong Nights,” “Taya,” “More Than Blue”, at ang first original sequel ng Vivamax na “Pornstar 2.” Tumatak rin ang dalawa nitong original series na “Parang Kayo Pero Hindi” at “KPL.”

May mga classic films din na mapapanood sa Vivamax na hindi lang galing sa Viva library, kundi pati na rin sa ibang production companies. Hindi rin magpapahuli ang Vivamax pagdating sa mga bida nito na mga naglalakihang bituin sa industriya, kabilang na sina Sharon Cuneta, Sarah Geronimo, Anne Curtis, Bela Padilla, Nadine Lustre, Andrew E., Yassi Pressman, Kim Molina, Jerald Napoles, Dingdong Dantes, Piolo Pascual, Carlo Aquino, at sina Toni at Alex Gonzaga.

Nandito rin ang pelikula ng mga mahuhusay na direktor tulad nina Brillante Mendoza, Lawrence Fajardo, Roman Perez, Darryl Yap, Joel Lamangan, at Yam Laranas. At siguradong mas marami pang madadagdag sa listahan sa pagdating ng 2022.

Nasa 52 pelikula at series ang planong i-produce ng Viva sa taong 2022 para sa regular weekly release ng Vivamax Originals. Nitong December ay may 15 nang natapos na pelikula na naka-schedule ang showing sa Q1 at may 40 greenlit projects naman na tuloy-tuloy na ang production.

Sa pagbubukas ng mga sinehan ay may walong pelikula na na magkakaroon ng theatrical release para sa pagbabalik ng classic viewing experience. Tuloy-tuloy pa rin ang commitment ng Viva na magkaroon ng  P1 billion production budget taon-taon kahit na may pandemya at patuloy pa rin ang pagsuporta nito sa mga tao sa industriya para mapasaya ang mga Pilipinong manonood

Mahigit 2 million subscribers ng Vivamax ang nag-aabang ng mga samu’t saring content, mga fresh originals, classic films, romance comedy series, biggest Korean blockbusters, at mga sikat na Hollywood hits.

Ang Vivamax ay nakarating na rin sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Bukod sa Pilipinas, makakapanood na ng Vivamax sa Australia, Brunei, Hong Kong, Indonesia, Japan, Korea, Macau, Malaysia, Maldives, New Zealand, Singapore, South Korea, United States, Canada, Middle East, at ilang mga European territories.

Samantala, ang line up ng Vivamax sa unang quarter ng 2022 ay “Siklo,” “Hugas,” “Reroute”, “Lulu” (8 parts), “Deception,” “Silip Sa Apoy,” “Kinsenas, Katapusan,” “The Wife,” “The Exorsis,” “Boy Bastos”, “Island of Desire,” “The Last Five Years,” “Sisid,” “Scorpio Nights 3” at marami pang iba.

https://bandera.inquirer.net/300017/palitan-ni-brillante-mendoza-mapapasama-kaya-sa-film-festival-sa-ibang-bansa

https://bandera.inquirer.net/299732/andrea-seth-may-mensahe-tungkol-sa-kamatayan-wag-siyang-natin-tingnan-bilang-deadline
https://bandera.inquirer.net/291183/anne-curtis-sarah-geronimo-magbabalik-pelikula-na

Read more...