Kristine kay Oyo: Gwapo ka sa lahat…ang sarap mong kasama sa buhay, I love you so much!

Kristine Hermosa at Oyo Sotto

NAGPALITAN ng sweet wedding anniversary message sa kani-kanilang social media accounts ang mag-asawang Kristine Hermosa at Oyo Sotto.

Napa-sana all na naman ang mga netizens sa pampakilig at inspiring greeting ng celebrity couple para sa kanilang 11th wedding anniversary kahapon, Jan. 12.

Idinaan ni Kristine sa Instagram ang pagbati niya kay Oyo kung saan muli niyang ibinandera ang pagmamahal at pagpapasalamat sa asawa na nag-celebrate rin ng kanyang 38th birthday.

“Today may be a little extraordinary birthday for you but thank you for enduring with me… mas lalo kang gumagwapo ‘pag kasama kitang nagtitiis at nahihirapan. Joke!” ang caption na isinulat ng aktres sa kanyang IG post.

Aniya pa, “But on a cheesy note, you are the best thing. Ang sarap mong kasama sa buhay, Hun. I love you so much!!! Happy birthday!!

“P.S. Sorry wala akong makuhang solo photo mo, either may kasamang bata, aso or stolen shot kaya malabo. 

“Nevertheless, gwapo ka sa lahat. Happy 11th my By!! Sino ba namang mag-aakala. Iba talaga ang plano ni Lord! The best!” sabi pa ni Tintin.


Samantala, short but super sweet naman ang mensahe ni Oyo sa kanyang misis na parang hindi tumatanta at super fresh and sexy pa rin kahit ilang beses nang nanganak.

“11th. I (heart) U @khsotto. Thank you Father God for keeping us together,” sabi ni Oyo.

Ikinasal sina Kristine at Oyo sa isang private ceremony na ginanap sa Club Balay Isabel sa Talisay, Batangas noong January, 2011.

Biniyayaan na sila ngayon ng limang anak — sina Kristian Daniel, 13; Ondrea Bliss, 10; Kaleb Hanns, 7; Marvic Valentin, 5; at Vittorio Isaac na isinilang noong August, 2021.

Kristine kumasa sa bagong challenge; may pa-tribute kay Oyo at sa 4 na anak

Kristine todo puri kay Oyo: Thank you for always standing by me, payat man o mataba ako, may lash extensions man o wala…

Oyo Boy ibinandera ang pagmamahal kay Kristine

Read more...