Quizon brothers bubuhayin ang mga classic paandar ni Dolphy: Wala kaming comparison sa galing nu’n!

Epy, Eric at Vandolph Quizon

BUBUHAYIN muli ng magkakapatid na Eric, Epy at Vandolph Quizon ang mga alaala ng kanilang yumaong ama — ang nag-iisang Comedy King na si Dolphy.

Nagsimula na last Sunday, Jan. 9, ang pinakabagong comedy show ng tatlong magkakapatid sa Net 25, ang “Quizon CT (Comedy Theater), kung saan kasama rin nila ang misis ni Vandolph na si Jenny.

Ayon kay Mr. Caesar Vallejos ng Net 25, super happy ang management at ang buong production sa mataas na viewership ng nasabing programa nang mag-pilot ito sa nasabing TV network. 

At siguradong maligayang-maligaya rin daw ang Hari ng Komedya na si Mang Dolphy kung saan man ito naroroon ngayon dahil muling nagsama-sama ang kanyang mga anak.

Sa katunayan, tribute din daw ng magkakapatid na Quizon ang programa sa kanilang yumaong ama na mismong sina Eric at Epy ang nagdidirek.

Sa naganap na virtual mediacon para sa “Quizon CT”, nabanggit ni Eric na agad nagustuhan ng Net 25 ang konsepto ng show kaya naman agad na silang nag-shoot for the pilot episode.

In fairness, bago pa umere ang “Quizon CT” ay madalas nang mag-viral ang mga TikTok videos kung saan mapapanood ang mga nakakatawang eksena sa mga past sitcom ng Comedy King, kabilang na ang “John en Marsha” kasama sina Nida Blanca at Maricel Soriano.

Reaksyon ni Epi rito, “Nakakataba ng puso na alam mo na yung iba nga, halos bata pa sila nung buhay pa ang tatay ko, pero tinatawanan pa nila.

“So, nakakataba ng puso na hanggang ngayon ay buhay pa ang tatay ko in terms of comedy. Buhay sa Pilipino yung in terms of making people laugh,” sabi pa ng komedyante.

Sey naman ni Vandolph, “Yung mga John en Marsha, puwede naming gawin, pero mahirap pantayan. Nasa pag-uusap na lang namin nina Direk iyan.”

Sa katunayan, may mga segment sa show nila kung saan ire-reenact nila ang mga classic scenes ni Dolphy sa kanyang mga TV show at pelikula.

Pahabol pa ni Eric, “We have a portion talaga na ‘Dolphy Classics.’ Du’n namin ilagay yung ibang sketches ng Daddy na nag-hit sa mga tao. Kaya meron kami talaga na ‘Dolphy Classics.’

“And basically, of course, to reminisce and emulate din, and at the same time, pagbibigay-tribute sa mga ginawa ni Daddy.

“May nagsa-suggest na ipakita yung old clips tapos gagawin namin. Sabi ko, ayokong ipakita yung old clips kasi matatabunan lang kami. Pero sana, ma-appreciate ng mga tao ang gagawin namin,” aniya pa.

“Of course, nakakatakot du’n kapag kinumpara kami, kasi siyempre kapag pinagsama-sama kaming tatlo, wala kaming comparison sa galing nu’n. Hindi naman kami as funny… pero we will try our best to be,” sabi pa ni Eric.

Ka-join din sa bagong comedy show ng Quizon brothers sina Bearwin Meily, Gene Padilla, Garry Lim, Martin Escudero at Miss Universe Philippines 2020 4th runner-up Billie Hakenson.

Napapanood ito sa Net 25 tuwing Linggo ng 8 p.m., pagkatapos ng game show ni Aga Muhlach na “Tara, Game, Agad Agad”.

https://bandera.inquirer.net/302778/kabilin-bilinan-ni-dolphy-sa-mga-anak-ayoko-ng-away-away-gusto-ko-magmahalan-kayo
https://bandera.inquirer.net/287859/epy-quizon-martin-del-rosario-ibinandera-ang-bida-kontrabida-sa-buhay-nila-sino-kaya
https://bandera.inquirer.net/300855/willie-tinulungan-noon-si-dolphy-sey-ni-cristy-fermin-kaya-laging-pinagpapala-si-willie-ay-dahil-butas-ang-palad-niya

Read more...