Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon
SA GMA 7 pa rin mapapanood ang longest-running noontime show sa Pilipinas, ang “Eat Bulaga” nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon kasama ang iba pang Dabarkads.
Kaninang umaga, Jan. 11, 2022, makalipas ang 27 years, muling pumirma ng kontrata ang TAPE Inc., sa GMA Network para sa patuloy na pagpapalabas ng “Eat Bulaga.”
Present sa virtual contract signing sina GMA Network CEO Atty. Felipe Gozon, President and COO Gilberto Duavit Jr., GMA EVP and CFO Felipe S. Yalong, GMA Chairman Annette Gozon-Valdez, and TAPE Inc. President and CEO Mr. Antonio “Tony” Tuviera.
Um-attend din ng virtual contract signing sina Sen. Tito Sotto, Bossing Vic Sotto, Joey de Leon, Wally Bayola, Jose Manalo, Ryan Agoncillo, Pauleen Luna Sotto, Ryza Mae Dizzon, Jimmy Santos, Allan K., at Alden Richards.
“We, in GMA, are honored to be chosen once again by TAPE to be the home TV station of Eat Bulaga, a very popular TV program,” ang mensahe ni Atty. Gozen matapos ang contract signing.
“Many have tried to beat Eat Bulaga, the longest running number one tv program in the Philippines,” sabi pa ni Gozon.
Dagdag pa ng TV executive, “Being the number one noontime TV program, it is only logical that Eat Bulaga is shown on GMA-7, anumber one TV station in the Philippines.
“And so we are looking forward to many more years of mutually beneficial and rewarding partnership with TAPE in airing Eat Bulaga in GMA 7,” sabi pa ni Gozon.
Samantala, bukod sa ika-42 anibersaryo ng “Eat Bulaga” sa July, 2022, ipagdiriwang din ng TVJ ang kanilang golden anniversary ngayong taon.
Unang nabuo ang grupo ng tatlong beteranong komedyante noong 1972 nang gawin nila ang gag show na “OK Lang” sa IBC-13.
Kaya naman natanong ang tatlong movie icon kung ano ang sikreto sa kanilang 50 years na samahan at sa patuloy na tagumpay ng “Eat Bulaga”.
Sagot ni Tito Sen, “Even before, yung Tito, Vic & Joey pa lang kami, panahon pa ng ‘OK Lang.’ Ako, noon pa lang, naramdaman ko na kina Vic at Joey, we have a very good sense of the pulse of the people.
“Lalo na, suwerte rin kami sapagkat ang nakukuha namin, ang mga pumapasok sa Eat Bulaga na mga production people, lalo na yung writers, e, ang lakas din ng pulso. Nababasa nila yung mga kababayan natin,” aniya pa.
Sinang-ayunan naman ni Joey ang naging pahayag ni Tito Sen at sinabing bukod sa “pulso”, hindi rin daw sila nagbabago makalipas ang mahabang panahon.
Sey ni Joey, “Yung sinabi ni Tito na pulso, nandoon yung salitang puso. Nasasakyan namin siguro dahil hindi kami nagbabago.
“Ang mga pantalon namin ni Vic, mahihigpit pa rin. Tight-fitting, may mga sira-sira rin. Ibig sabihin, hindi lang kami Kapuso, kauso rin.
“Hindi kami nawawala sa panahon, sumasabay kami. Noong araw nga, nag-uumpisa kami, magkaibang kulay yung Converse ko tapos nagkakamiseta ako. Mahaba ang buhok namin, nagso-shorts kami, kaya ayun, na-memo ako.
“Sabi ng boss ko sa Channel 9, ‘Wala akong pakialam kung branded ‘yan!’ Kasi ang mga uso noon, naka-tie, Amerikana. Siguro nabago ng Eat Bulaga dahil sa mga host, kami nina Vic at Tito.
“Noong araw, kapag may taping kami ng Iskul Bukol, kapag sinabi ng mga opisyal na ‘O, change costume, sequence something.’ Hindi sa amin uso yun.
“Ang ginagawa namin ni Vic, nagpapalitan lang kami ng T-shirt. O, ayan, change costume na. Salbahe kami.
“In other words, nag-umpisa kami na rebelde na hindi bad. Mula noon, kung ano ang uso, meron kami o kaya magpapauso kami,” pagbabalik-tanaw ni Joey.
Hirit naman ni Bossing pagkatapos magsalita nina Tito Sen at Joey, “Puwede bang copy and paste na lang (ng sagot nina Tito at Joey)? Basta ang feeling ko, legit Dabarkads, legit Kapuso. Yun lang!”
https://bandera.inquirer.net/295953/joey-bumanat-sa-mga-nagpapakalat-ng-fake-news-suportado-si-tito-sa-pagtakbo
https://bandera.inquirer.net/289698/bossing-kay-tito-sen-saan-ka-man-dalhin-ng-iyong-kapalaran-nasa-likod-mo-ang-buong-eat-bulaga
https://bandera.inquirer.net/302588/andrew-e-janno-dennis-keribels-na-nga-bang-magmana-sa-trono-nina-tito-vic-joey