Tuesday Vargas
SA ikalawang pagkakataon, nagpositibo muli ang TV host-comedienne na si Tuesday Vargas sa COVID-19 kahit pa fully-vaccinated na siya.
Ito ang inamin ng komedyana sa bago niyang vlog sa YouTube kamakailan na may pamagat na “COVID POSITIVE” kung saan idinetalye niya ang ilan sa mga naramdaman niyang symptoms.
Pati raw ang partner niyang si Joseph Puducay at anak na si Kaya ay nag-positive din sa coronavirus matapos sumailalim sa antigen test.
Unang tinamaan ng COVID-19 si Tuesday noong May, 2021 at hindi pa raw siya bakunado noon at sa ikalawang pagkakataon nga ay medyo hindi na ganu’n katindi ang naramdaman niyang sakit.
Ilan sa mga symptoms na na-feel niya nang muling tamaan ng COVID ay “fever, chills, cough, sore throat, loose bowel movement (LBM), headache, and night sweats.”
Pahayag ni Tuesday, “Mag-iingat kayo, magpalakas ng katawan. Maging vigilant pa rin kayo para hindi na tayo makahawa pa ng iba at makakuha ng virus.
“Pangalawang COVID-19 ko na ito. I tested positive in May 2021, tapos ngayon ulit. Pray for us guys, ipagdarasal ko rin lahat ng mga may pinagdadaanan na sakit ngayon.
“Moral of the story here is that, it’s good that the cases went down in December….But that doesn’t give us license to be relaxed, let go of the protocols…Ito ‘yung singil sa pagiging complacent,” pahayag pa ng singer-actress.
Ayon sa “All-Out Sundays” comedienne, nakaramdam siya ng COVID-19 symptoms nang umuwi sila mula sa Boracay kung saan nagbakasyon ang kanilang pamilya ng ilang araw.
“We arrived on December 30th, we didn’t know there were people who arrived before us that weren’t feeling well, we came in close contact with them on the 31st.
“On January 2, in the evening, ‘yun na. I woke up in the middle of the night with a slight fever. On January 4 we got home, we got tested, antigen muna, we all tested negative dito sa bahay.
“Dahil lahat kaming tatlo – Kaya, JP, and me were feeling something – kumakati ang lalamunan namin, so we decided mag-isolate muna kami. Since January 4 we were home. On January 5, we got tested on antigen, we were all negative.
“On January 6th we tested positive on the antigen. We got an RT-PCR right then and there na drive-through lang. Thank you so much to GMA for facilitating that for us,” aniya pa.
Kaya naman ang paalala niya sa publiko, “Coronavirus is still present in our communities, ngayon madali siya makahawa, please be vigilant, keep your families healthy, don’t go out of your bubbles.”
Naikumpara rin ni Tuesday ang unang pagkakasakit niya noon sa ikalawang pagtama sa kanya ng COVID-19, “The difference is I bounced back more quickly. Sobrang feel na feel ko ‘yung pagkakaiba ng bakunado at hindi.”
“You know your body better than anyone, so alam mo talaga ‘yung difference ng may extra layer of protection but that doesn’t exclude you from potentially spreading it. Dapat mag-ingat pa rin tayo.
“The vaccine doesn’t shield you 100 percent from the virus kaya dapat mag-ingat talaga. Masarap lumabas at magbakasyon pero hindi natin dapat kalimutan na may pinoprotektahan na pamilya at komunidad. Sana ligtas kayo lahat, I’m sending you love and light wherever you are,” aniya pa.
Nanawagan din ang komedyana sa publiko, “Please do not feel ashamed or disappointed in yourself if you ever test positive and you feel unwell if you’ve done everything to protect yourself.
“Stop COVID-19 shaming, ‘wag na po tayong magsisihan, magtulungan na lang po tayo. Be easy on yourself, take care of yourself, and stop COVID-19 shaming. Stay healthy, God bless, I hope everybody will recover from this,” pahayag pa ni Tuesday.
https://bandera.inquirer.net/292603/waleyohavey-ate-gay-tuesday-trending-dahil-sa-magkaibang-pananaw-ngayong-pandemya
https://bandera.inquirer.net/302607/alfred-hindi-rin-nakaligtas-sa-bangis-ng-covid-19-umaming-napapraning-para-sa-pamilya