Alfred Vargas & Family
AMINADONG inaatake na rin ng kapraningan ang actor-politician na si Cong. Alfred Vargas matapos magpositibo sa COVID-19 nitong nagdaang Jan. 8, 2022.
Nag-aalala ngayon ang aktor hindi lang para sa sarili kundi pati na rin sa kanyang asawang si Yasmine at sa tatlo nilang nga anak.
Maayos naman daw ang pakiramdam ngayon ni Alfred, “I’m feeling okay naman. Almost asymptomatic ako except lang for some light breathing issues brought about by my asthma.”
Hindi raw talaga maiiwasan na makaramdam siya ng matinding pag-aalala dahil nga pataas na naman nang patasas ang bilang ng mga COVID-cases sa bansa.
Pag-amin ng kongresista, “Nakakapraning lang minsan isipin kung asthma ba ito or epekto na ng COVID?
“When I found out na positive ako sa PCR, agad na akong nagkulong sa isang kuwarto sa bahay,” pahayag pa ng aktor.
“Nag-alala ako agad sobra for my family na sana hindi sila mahawa. Buti na lang, they have all tested negative so far.
“Miss na miss ko na sila. We all decided na mag-isolate kaming family per group muna para safe. Magkasama ‘yung dalawang girls ko, si Alexandra and Aryana, sa isang room.
“Then si Yasmine naman at si Cristiano magkasama. Si Yasmine ang nag-aalaga at nag-aasikaso sa aming lahat,” pagbabahagi pa ng kongresista na tatakbo namang konsehal sa darating na Mayo.
Samantala, kahit nga nagpositibo sa virus at naka-isolate ngayon, tuloy pa rin ang pagtatrabaho ni Alfred bilang public servant katuwang ang kanyang team at kapatid na si PM Vargas na siya namang tatakbong kongresista sa District 5 ng Quezon City.
“Yes trabaho pa rin. Hindi naman nabawasan ang trabaho. Nadagdagan pa nga sa dami ng kailangang gawin. At least, because of technology, very productive pa rin tayo kahit WFH (work from home).
“Puro zoom meetings ako with my legislative staff and my admin staff. Palagi rin kaming nagbibigay ng tulong sa distrito,” pahayag pa ng aktor.
Paglilinaw naman ni Alfred, negative sa RT-PCR test si PM kaya ito nakakaikot ngayon sa kanilang distrito.
“We give medical assistance, gamot, vitamins, financial assistance, livelihood assistance, scholarship, tulong sa vaccinations, at maraming marami pa,” aniya pa.
Ito naman ang paalala ng mag-utol sa lahat ng mga Filipino, “Doble ingat po tayong lahat. Hangga’t maaari, sa bahay na lang po muna tayo please. Malalampasan natin ito.”
“Mag-ingat ng todo-todo lalo na sa mga nagpa-positive. Ang omicron variant ay hindi biro dahil dumarami pa rin ang infected. Ang aming bilin bukod sa mag-ingat ay manalangin tayo dahil kailangan natin ang isa’t isa higit sa lahat ngayong panahon. Pinasilip lang tayo na mag-enjoy ng kaunti pero ngayon back to reality tayo, back to trabaho,” sey naman ni PM.
Inamin naman ni Alfred na dalawang teleserye sa GMA at ilang pelikula ang kinailangan niyang tanggihan para maipagpatuloy ang kanyang pagseserbisyo-publiko.
https://bandera.inquirer.net/290951/alfred-vargas-hindi-lalayasan-ang-showbiz-acting-will-always-be-my-passion-its-my-first-love-pero
https://bandera.inquirer.net/293735/alfred-hindi-pa-kering-sumabak-sa-lock-in-taping-paandar-na-online-raffle-suportado-ng-mga-celebs-2