Swimsuit photo ni Korina na may caption tungkol sa COVID-19 binatikos: Wala sa lugar, sobrang off

Korina Sanchez

HINDI nagustuhan ng ilang netizens ang ipinost ng veteran broadcast journalist na si Korina Sanchez sa kanyang Instagram patungkol sa muling pagtaas ng COVID-19 cases sa bansa.

Feeling nila, “insensitive” at “wala sa timing” ang pagbabahagi ng award-winning TV host at news anchor ng kanyang swimsuit photo na kuha sa isang beach at ang inilagay niyang caption dito.

“IMAGINE. Lahat nagka covid na. Ako never pa. And Im ALL OVER. Thank you, Lord. Sadya akong pinagpala kase dami ko tinutulungan?” ang isinulat na mensahe ni Korina sa nasabing IG post kahapon, Jan. 9.

At ilang sandali lamang ang lumipas, in-edit ng news anchor ang kanyang caption. Ang nakalagay na sa kanyang post, “IMAGINE. Lahat nagka covid na. Ako never pa. And Im ALL OVER. 

“Thank you, Lord. Sadya akong pinagpala kase baka nakakatulong yung may natutulungan din? Please bless and heal all those infected,” aniya pa.

Pero tulad ng nauna niyang post, pinagsabihan pa rin si Korina ng mga netizens kasabay ng pagpo-post ng screenshots ng kanyang deleted post.

Komento ng isang IG user, “KAYA KAYO TUMULONG KAYO KUNG AYAW NIYO MAGKACOVID”

Sabi naman ng isa pa, “AY WAIT BINAGO NA PALA CAPTION BASTA TUMULONG PA RIN OKEI.”

May nag-post din ng screenshot ng unang deleted post ng TV host na may caption na, “Tone deaf naman po Ms Korina.”

Nag-reply agad sa kanya ang veteran broadcaster, “Talaga ba? Nagpasalamat lang na di pa na covid tone deaf na? Baka ikaw? (thumbs down emoji).”

Hirit naman ng netizen, “HALA LAGOWT! SA DAMI NG COMMENTS TAYO ANG LUCKY WINNER SA GRAND DRAW!”

Ang TV host at dating Survivor Philippines castaway na si Kiko Rustia ay napakomento rin sa Twitter post ng isang netizen kung saan ibinahagi rin nito ang naging statement ni Korina.

Chika ni Kiko, “Wala sa lugar yung post nya, lalo na yung pag flex nya ng photo nyang yan plus that original caption. Sobrang off.”

“Korina Sanchez is clearly implying that the quantity of assistance you provide to others is the greatest way to prevent COVID-19. She failed to recognize that there are ‘isang kahig, isang tuka’ people who became infected with COVID-19 and whose family members died as a result.”

“Di man lang nahiya sa mga tinamaan ng Covid and lost their loved ones. Di ka tinamaan sana shut up na lang and be thankful silently hindi yung kung ano-ano pa pinopost mo. Insensitive.”

Kaninang umaga, Jan.10, burado na ang nasabing post ni Korina sa Instagram pero muli siyang nag-post ng kanyang swimsuit photos at sa caption ay nag-thank you siya kay Lord dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin siya tinatamaan ng COVID-19.

Ani Korina, “Thank you Lord. So many sick and infected. Ive never been positive—even as Im all over for work I have to do.

“Frontliner pa ako ngayon sa househelp and driver ko. Help me help others through this pandemic. Kaya natin ito,” sabi pa niya.

Isang follower niya ang nag-post ng comment at sinabing buti raw at binura na ng TV host ang una niyang ipinost.

Sagot naman ni Korina sa kanyang follower, “Miscalculation of words in caption. This is what I meant.”

May mga nagtanggol din naman kay Korina at nagsabing huwag nang pansinin at patulan ang mga bashers at haters. Narito ang ilan sa mensahe ng mga kumampi sa kanya.

“‘Help me help others’ such a nice prayer for everyday especially for frontliners like us.”

“Nagpapasalamat din kami Mam Korina lahat kaming maganak including my parents aged 78/79 walang sakit at masigla since day 1 ng pandemic .. Salamat po Panginoong Diyos.”

“Ma’am K just stay healthy and strong. Isa po ako sa maswerteng natulungan nyo kahit working student ako. Binigyan nyo pa rin ako ng chance magwork at makapagtrabaho. Blessing ka po sa akin at sa lahat ng staff mo. We support you all the way! Mahal ka po namin and salamat po sa lahat!”

“Misunderstood woman with beautiful kids, keep going Miss K, got your back.”

“Deleted na yung post meaning aminado nagkamali. Hindi puwede magkamali? wala naman perpektong tao.”

https://bandera.inquirer.net/284115/korina-may-pa-tribute-para-sa-ika-64-kaarawan-ni-mar

https://bandera.inquirer.net/285921/karen-kay-korina-kailanman-hindi-po-kami-nagpantay

Read more...