Arnold Clavio
ISA pa sa mga nadagdag sa listahan ng mga broadcast journalist na tinamaan ng COVID-19 pagkatapos ng holiday season ay ang Kapuso news anchor na si Arnold Clavio.
Inamin ni Igan kahapon sa pamamagitan ng kanyang Instagram account na hindi rin siya nakaligtas sa bangis ng killer virus.
Makikita sa ibinahagi niyang mga litrato sa IG ang pag-a-antigen test niya sa sarili habang naka-self quarantine sa kanilang tahanan.
Ani Arnold sa caption, “After almost two years, this is my first time to be infected by COVID-19 virus.
“It’s real and serious although may mild symptoms ako like cough due to hyperacidity,” pahayag ng Kapuso broadcaster at TV host.
Patuloy pa niyang kuwento sa kanyang IG followers, “Last Thursday, may close contact ako sa isang nag-positive. Immediately, I had my antigen test done and it turned out negative.
“Yesterday, after RT-PCR test, the result was negative.
“This morning, para makasiguro, I had my antigen test again and bad news, I am positive.
“And the only way to fight this virus is positive thought,” sabi pa ni Igan.
Ipinagtataka rin niya na sa kabila ng tripleng pag-iingat na ginagawa niya ay nahawa pa rin siya ng COVID-19 kaya naman muli siyang nagpaalala sa publiko na huwag magpakakampante lalo na ngayong tumataas uli ang bilang ng mga kaso sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
“Sa kabila ng pag-iingat ko, wearing of mask, hand washing, social distancing, vitamins, immune booster, lots of Vitamin D, tinamaan pa rin ako and I don’t know how so
be careful everyone.
“See you in after 7-14 days of isolation. God is good! Amen!” sabi pa ni Igan.
Bukod kay Igan, nauna nang inamin ni Karen Davila na tinamaan din siya ng virus pati na ang kanyang pamilya pagkatapos nilang mag-celebrate ng Pasko sa Boracay kasama ang ilang kaibigan.
May nakapagsabi rin sa amin na dalawa pang news anchor ang nagka-COVID kaya hindi sila napapanood ngayon sa kanilang mga programa sa telebisyon.
https://bandera.inquirer.net/294799/arnold-clavio-pumalag-na-sa-kumakalat-na-fake-news-hindi-ko-na-po-matiis
https://bandera.inquirer.net/281743/jessica-soho-todo-pag-iingat-sa-kalusugan-matapos-makipaglaban-sa-pneumonia