Jo Berry pag-aagawan nina Rodjun at Juancho sa 'Little Princess', pero kanino siya posibleng ma-attract? | Bandera

Jo Berry pag-aagawan nina Rodjun at Juancho sa ‘Little Princess’, pero kanino siya posibleng ma-attract?

Ervin Santiago |January 10,2022
facebook
share this

Jo Berry pag-aagawan nina Rodjun at Juancho sa ‘Little Princess’, pero kanino siya posibleng ma-attract?

Ervin Santiago - January 10, 2022 - 09:20 AM

Juancho Trivino, Jo Berry at Rodjun Cruz

IBANG-IBA na ang nasa listahan ng mga priorities ngayong Bagong Taon ng dalawang Kapuso actors na sina Juancho Trivino at Rodjun Cruz.

Para sa kanilang New Year’s resolution ngayong 2022, puro para sa kapakanan ng kanilang pamilya ang nasa plano ng celebrity dads at Little Princess stars na sina Juancho at Rodjun.

Kuwento ni Juancho, napakabilis raw talaga ng pagtakbo ng panahon kaya habang lumalaki ang anak nila ni Joyce Pring na si Baby Eliam ay talagang inee-enjoy na nila nang bonggang-bongga ang bawat moment nila.

Pahayag ni Juancho, “Nagkakaroon na ng muwang ng paunti-unti yung anak ko kaya nae-excite ako, kasi siyempre ito yung year of firsts kaya kaming dalawa ng wife ko, we just want to be there for Baby Eliam.”

At tulad nga ni Juancho, top priority rin ni Rodjun ang kanyang pamilya at umaasa siyang mas magiging masagana at malusog ang 2022 para sa lahat ng pamilyang Filipino all over the universe.

“Alam ko na maganda ang simula ng 2022. Kaya lagi ko rin talagang pinagpe-pray ‘yan para na rin siyempre sa baby ko, mas inspired ako ngayon,” chika ni Rodjun sa panayam ng GMA 7.

Samantala, maswerte nga ang pasok ng Bagong Taon para sa dalawang Kapuso dad dahil sa bago nilang Kapuso teleserye, ang “Little Princess” na magsisimula na ngayong araw sa GMA Afternoon Prime.

Sina Juancho at Rodjun ang magiging leading man ng Kapuso actress na si Jo Berry sa “Little Princess” kaya hindi lang ang inspiring rags-to-riches story ng karakter niyang si Princess ang dapat tutukan ng viewers kundi pati na ang bonggang love triangle ng tatlong pangunahing karakter sa serye.

Si Rodjun ang gaganap bilang si Jaxon, ang hunky at charming na BFF ni Princess na unti-unting made-develop sa dalaga dahil sa kabaitan at pagiging positibo nito sa lahat ng bagay.

Gagampanan naman ni Juancho ang role na Damien, ang rich at magaling na online gamer na magiging mahigpit na kalaban ni Princess. 

Sa virtual mediacon ng “Little Princess” nitong nagdaang Jan. 5, natanong si Jo Berry kung kanino kina Rodjun at Juancho siya posibleng ma-attract sa tunay na buhay (kung wala pang mga asawa ang dalawang aktor).

“Ang go-to ko po talaga is ‘yung funny and pareho naman silang funny,” tugon ng dalaga.

Aniya pa, “Siguro po ‘yung pareho ni Rodjun kasi very family-oriented and funny and very nice. Gano’n din naman si Juancho, pero si Juancho kasi tahimik lang.”

Naniniwala naman si Rodjun na kahit sinong lalaki raw ay puwedeng ma-in love kay Jo dahil sa taglay nitong mga katangian.

“Si Princess may big heart, gano’n din si Jo Berry. Napaka-selfless niya,” papuri ng Kapuso actor kay Jo.

Bukod dito, kahanga-hanga rin ang  professionalism at dedikasyon ng aktres sa kanyang trabaho na sa kabila ng pagdadalamhati at pagluluksa nito sa pagpanaw ng ama, lolo at kapatid ay nagawa pa rin niyang isipin ang kanyang natanguang responsibilidad.

“Kagaya nga ng work na ‘to, hindi biro ‘yung nangyari sa kanya pero tinanggap n’ya ‘tong trabaho na ‘to dahil sa kanya natuloy ‘yung Little Princess. Maraming nagkaroon ng chance na mgkqroon ng work tapos nagkasamaa-sama kami.

“Actually para sa akin si Lord ‘yung may gawa nito kasi sa Little Princess para mas marami silang ma-inspire kapag napanood nila ‘to, maraming mapapanod na aral.

“So si Jo Berry, nakapaka-geneorus, napakabait na tao. Seryoso din ‘yan pero palabiro din. Nagkasundo kami sa taping ng Little Princess at ang masasabi ko, mahal ko ‘yung cast ng Little Princess kahit nasa lock-in kami para kaming iisang pamilya doon so tulong-tulong kami,” sabi pa ni Rodjun patungkol sa kanyang leading lady.

Sey naman ni Juancho, “Kapag kasama mo si Jo, ‘di mo mararamdaman na may pagkakaiba kayo kahit physically kasi, ‘yun nga, gaya ng sinabi ni Rodjun, ang laki ng puso n’ya and she cares about the people around her.

“Kaya natutuwa ako kapag nakakasama ko siya, nakakakwentuhan ko s’ya. Palaban s’yang klaseng tao, ang tapang n’ya and I have nothing but nice things to say about Jo. 

“Na-amaze talaga ‘ko sa kanya itong 60-plus days na magkasama kami sa lock-in, sumaludo talaga ko sa pagkatao n’ya,” aniya pa.

Makakasama rin sa “Little Princess” sina Angelika dela Cruz, Jestoni Alarcon, Geneva Cruz, Jenine Desiderio, Lander Vera-Perez at Chuckie Dreyfus with Therese Malvar, Gabrielle Hahn, Tess Antonio and Kaloy Tingcungco.

Magsisimula na ang “Little Princess” ngayong hapon, Jan. 10, 3:25 p.m. sa GMA Afternoon Prime.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

View this post on Instagram

A post shared by Jo Berry (@thejoberry)

Jo Berry nagtatrabaho habang nagluluksa: Kahit masakit yung pinagdaraanan, kailangang kayanin

Rodjun Cruz: Wow! Grabe ka Lord, answered prayer na naman ‘to!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending